Michael De Mesa at misis nitong si Julie Reyes-Eigenmann, pinakilig ang publiko sa nakaka-inspire nilang relasyon!



Walang perpektong relasyon kung kaya naman wala rin talagang perpektong pagsasamahan ng mag-asawa. Lahat ng magkarelasyon ay dumadaan sa pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan at maraming mga pagsubok.



Kung marami sa mga mag-asawa o magkasintahan ang bigla na lamang sumusuko at tinatapos ang kanilang relasyon, mayroon din namang mga taong ginagamit ang mga pagsubok na ito upang mas maging matatag ang kanilang pagsasama at mas maging makabuluhan. Isa na marahil sa kanila ang mag-asawang Michael De Mesa at ang kaniyang butihing asawa na si Julie Reyes-Eigenmann.


Maaaring pareho silang nagmula sa kaniya-kaniya nilang mga relasyon noon ngunit mas pinili nilang maging buuin at mas patatagin pa ang kanilang pagsasama bilang isang mag-asawa. Ang beteranong aktor na si Michael De Mesa ay naging bahagi ng industriya ng show business nang matagal nang panahon.



Talaga namang isa siya sa pinakamahusay na aktor ng kaniyang henerasyon, sa mga pelikula man o programa sa telebisyon. Bagamat seryoso at talaga namang mayroong matapang na mga karakter ang kaniyang tinatanggap na mga proyekto, dahil dito ay mas lalo pa siyang nakilala ng publiko.


Taliwas sa kaniyang imahe sa harap ng kamera ay talaga namang napakakwela din ng aktor sa totoong buhay. Siya ay ipinanganak bilang si Michael Edward Gil Eigenmann at kasal sa “Hotlegs” member na si Julie Reyes-Eigenmann. “Family man” nga na maituturing ang aktor na kapansin-pansin rin sa kaniyang social media account.



Mayroon siyang anim na mga anak, limang mga apo, at isang napakagandang misis. Bagamat 13 taon ang agwat ng kanilang edad ay tila hindi naman ito nagiging problema ng mag-asawa dahil napakaraming magagandang bagay ang kanilang pinagkakasunduan.

Bukod sa hilig nilang mamasyal ay mahilig din sila sa mga pagkain, pag-eehersisyo, at pagbabonding. Talaga namang mapapa-sana all ka sa kanilang relasyon bilang mag-asawa.

Tiyak na mas magiging matatag pa at masaya ang kanilang pagsasama habang lumilipas ang panahon.






error: Content is protected !!