Natapon na bigas matiyagang pinulot sa kalsada ng lalaki dahil sa maaari pa daw itong kainin!



Ang bigas ang isa sa mga pangunahing pagkain ng maraming mga bansa sa Asya. Maaaring ilan sa mga Asyano ay kayang hindi kumain ng kanin sa almusal ngunit hindi ito maaaring mawala sa hapag-kainan kung tanghalian o di kaya naman ay hapunan.


Ang pagkaing walang kanin ay talaga namang hindi nakasanayan lalo na ng mga Pilipino. Para sa marami sa atin, mas mainam nang marami tayong imbak na bigas kaysa sa mga ulam. Mas pipiliin natin ang maraming kanin sa plato at kaunting ulam lamang kaysa sa sangkatutak na ulam ngunit wala namang kanin. Tila ba may kulang at hindi kumpleto sa ating araw kung hindi tayo makakakain ng kanin.



Kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng publiko ang larawan ng isang lalaking ito na namumulot ng bigas sa kalsada. Kahit pa marumi nang maituturing ang natapon na bigas ay hindi pa rin hinayaan ng lalaki na masayang ito.

Bagkus ay matiyaga niya itong pinulot dahil sa ayaw niyang magutom ang kaniyang pamilya. Namataan ni Kasthuri Patto ang naturang lalaki sa tapat ng kanilang tahanan sa Batu Kawan, Malaysia.


Ang lalaki pala sa larawan ay isang dayuhang manggagawa sa kanilang lugar. Dahil sa “Movement Control Order” (MCO) na mahigpit na ipinatutupad ngayon sa kanilang lugar ay wala nang trabaho at kaunti na lamang ang pera ng lalaking ito kung kaya naman hindi niya maaaring hayaan na lamang o sayangin ang pagkain para sa kaniyang pamilya.

Nakakalungkot nga lamang dahil sa natitira niyang pera na ipinangbili niya ng bigas ay aksidente pang natapon sa kalsada habang siya ay papauwi na. Maaaring mahirap at imposible nang maisalba ang bigas na natapon na sa maruming kalsada ngunit agad itong kinuha at matiyagang pinulot ng lalaki.



Tinanong naman ni Kashthuri kung bakit hindi na lamang niya ito hinayaan sa kalsada? Ang sagot naman ng lalaki ay maaari pa namang hugasan ang bigas na natapon at maaari pang kainin ng kaniyang pamilya.

Talaga namang umantig sa puso ng publiko ang katotohanan na ito na mayroon pa rin talagang ilang mga tao na mas nahihirapan sa sitwasyon natin ngayon dahil sa pandemya kung kaya naman sana ay mas mabigyan pa sila ng atensyon ng mga kinauukulan.






error: Content is protected !!