Nobya inakalang kuripot ang kaniyang kasintahan, nabigla nang malaman ang tinatago nitong lihim!



Para sa maraming magkakasintahan lalo na sa panahon natin ngayon, talaga namang napakahirap ang magsama nang maaga. Tunay nga na napakalaking desisyon at napakabigat na pagsubok nito lalo na kung unang beses ninyong maninirahan sa ilalim ng iisang bubong.

This photo is for illustrative purposes only.



Nangangailangan talaga ito ng matinding pasensya, sakripisyo, pagtitiis at pagmamahal. Nang makatapos ng kolehiyo sina Cathy at Bernard ay nagdesisyon na agad silang tumira sa iisang bahay.

Tatlong taon na silang magkasintahan kung kaya naman pumayag na rin ang kanilang mga pamilya na magsama silang dalawa. Gamit ang kaunti nilang ipon at ilang mga gamit ay magkasama na silang tumira sa iisang bahay. Noong umpisa ay si Cathy pa lamang ay mayroong trabaho. Siya ang nagbabayad nang halos lahat ng gastusin nila.


This photo is for illustrative purposes only.

Kinukumbinsi din naman niya ang kaniyang nobyo na maghanap ng permanenteng trabaho. Isang taon na ang nakalipas at nakahanap na ng maayos na trabaho si Bernard ngunit ang inaakala ni Cathy na magiging ginhawa na ang kanilang buhay ay nagkamali siya dahil sa wala ring nagbago sa kalagayan ng kanilang buhay.


Hindi alam ni Cathy na mayroon pa lang itinatagong lihim ang kaniyang kasintahan. Inakala ni Cathy noong una na kuripot lang talaga ang kaniyang nobyo ngunit kalaunan ay naghinala na ito na marahil ay mayroon itong ibang babae.

Ngunit isang araw ay nagulat na lamang si Cathy na ang bawat sweldo pala ni Bernard ay itinatabi nito para mismo sa kanilang kinabukasan. Nakapag-ipon ng higit sa P150,000 si Bernard mula sa kaniyang mga sweldo.



Hindi inaasahan ni Cathy na mayroon pa lang itinatagong sorpresa ang kaniyang minamahal para sa kaniya. Nang makapag-usap ang dalawa ay napagdesisyunan nilang maghati sa mga gastusin sa kanilang bahay at mas lalong napamahal si Cathy sa kaniyang kinakasamang si Bernard.

This photo is for illustrative purposes only.

Tunay nga na hindi madali ang pumasok sa isang relasyon lalo na kung pangmatagalan at panghabang buhay na ito.




error: Content is protected !!