Richard Gomez, pinamangha ang publiko dahil sa pagluluto nito ng sariwang gulay mula sa kaniyang bakuran!



Sa panahon ng krisis sa ngayon na talaga namang napakahirap magkaroon ng mapagkukunan ng mga pangunahin nating pagkain ay napakalaking tulong talaga ang pagkakaroon ng sariling mga pananim at bakuran sa mismong tahanan. Habang patuloy kasing umiiral ang “enhanced community quarantine” sa maraming mga lugar sa bansa ay patuloy pa ring nananatili ang maraming mga pamilya sa loob ng kanilang mga tahanan.



Tulad ng mga ordinaryong Pilipino ay sinasamantala din naman ng mga sikat na artista ang pagkakataong ito upang maglaan ng oras at panahon sa kanilang mga pamilya. Kamakailan lamang ay naging viral ang video ng sikat na aktor at pulitiko na si Richard Gomez.


Tampok sa video na ito ang pag-ani niya ng kaniyang mga sariwang pechay sa kaniyang bakuran na kalaunan ay niluto niya rin para sa kaniyang pamilya. Ang kaniyang viral video ay mayroon nang 6.2 milyon na mga views.

Umani rin ito ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa publiko. Mayroong mga netizen na nagsabing napakagandang halimbawa ang ipinakita ni Goma dahil sa tunay nga namang makakatulong sa publiko ang ginawa niyang pagtatanim sa kaniya mismong bakuran.



Hindi lamang ito masustansiya at sariwa ngunit talagang makakatipid ka pa kaysa bumili ka pa sa pamilihan ng mga gulay at prutas na maaari mo namang itanim sa inyo mismong tahanan. Hindi madali ang pagtatanim at pag-aalaga ng mga pananim na gulay at prutas ngunit kung pagsusumikapan mo talaga at pagtitiyagaan na magawa nang tama ang pag-aalaga ng mga ito ay tiyak na hindi ka naman mabibigo at aani ka rin talaga ng isang masarap at masustansiyang pagkain na maaari mong ihanda para sa iyong pamilya ngayong ECQ.



Si Richard Gomez ay 54 taong gulang na atleta, television presenter, director at pulitiko. Siya ay isang sikat na aktor sa bansa. Nakapagtapos siya sa “University of the Philippines Open University” at sa “University of Perpetual Help System DALTA”.

Taong 1999 nang ikasal siya sa isa ring aktres at modelo na si Lucy Torres Gomez. Biniyayaan sila ng isang anak na babae na si Juliana Marie Beatriz T. Gomez.