Tatay na mahilig maglaro ng “mobile games”, huminto dahil sa sinabing ito ng kaniyang anak!



Hindi biro ang pagkakaroon ng isang pamilya. Oras na naging buo ang loob mo at napagdesisyunan mo nang lumagay sa tahimik at magkaroon ng sarili mong pamilya ay hindi na magbabalik ang dati mong nakasanayan bilang isang dalaga o binata.



Maaaring sa ibang tao ay madali at simple lamang ang buhay may-asawa o buhay may pamilya lalo na kung nagmamahalan kayong mag-asawa. Ngunit kung darating na ang mga pagsubok ay tiyak na magbabago ang iyong pananaw ukol dito.

Lalo na kung mayroon na kayong anak na siyang mas bubuo at mas magpapatatag ng inyong pagsasamahan bilang mag-asawa. Maliban sa pagiging mabuting asawa sa iyong kabiyak ay obligasyon mo na rin ang maging mabuti at responsableng magulang sa inyong anak o magiging mga anak.



Ang pagiging asawa at magulang ay mayroong kalakip na mga tungkulin at responsibilidad kung kaya naman dapat ay batid natin ito lalo na kung mayroon na tayong sarili nating pamilya o di kaya naman ay nagpapaplano na tayong maging pamilyado. Kamakailan lamang ay kinagiliwan ang video na ito ng isang anak na mayroong pagdaramdam sa kaniyang ama na halos puro “mobile legends” na lamang ang ginagawa sa araw-araw.

Nagtatampo ang bata dahil sa tila wala nang panahon ang kaniyang ama sa iba pang mga bagay. Tila ba ang buong oras at panahon nito ay nakalaan na lamang sa paglalaro ng kaniyang paboritong mobile game.


Agad na nag-viral ang video na ibinahagi ni Jhon Herson Inciong sa social media at mayroon itong caption na “Sorry.. quit ML”. Maraming mga netizens ang natuwa at talaga namang kinagiliwan ang naturang video ngunit marami din naman ang talagang naapektuhan at naantig dahil sa naging saloobin ng anak sa kaniyang ama na tila napapanahon talaga sa ngayon.



Talaga namang marami sa mga netizens ang tila binuhusan ng malamig na tubig sa katotohanang narinig nila mula sa isang anak na nagnanais ng oras at atensyon mula sa kaniyang mahal na magulang.




error: Content is protected !!