Vic Sotto at Baby Tali nag-camping sa loob ng bahay sa gitna ng lockdown!



Tiyak na maraming mga tao sa ngayon ang nagnanais nang makalabas ng kanilang mga tahanan upang mapuntahan ang mga nais nilang puntahan o di kaya naman ay upang magawa ang mga ninanais nilang gawin.

Tulad ng mga ordinaryong mga Pilipino ay nakakaramdam din ng pagkabagot o pagkainip ang maraming mga sikat na artista kung kaya naman kanya-kanya na rin sila ng mga pamamaraan kung paano malalabanan ang labis na pagkainip dahil sa halos magdadalawang buwan na rin ang nakalilipas mula nang ipatupad ang “enhanced community quarantine sa bansa.




Isa na marahil sa pinakahinahangaang pamilya sa ngayon ng mga Pilipino ay ang pamilya ni Bossing Vic Sotto at ang kaniyany misis na si EB Dabarkads Pauleen Luna. Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng publiko ang ibinahaging mga larawan ni Pauleen sa social media kung saan makikita ang napakcacute na larawan ng kaniyang mag-ama na nagka-camping sa loob mismo ng kanilang tahanan.


Dahil sa mahigpit pa ring ipinapatupad ang “enhanced community quarantine” sa bansa ay hindi pa rin pinapahintulutang lumabas ng kanilang mga tahanan ang publiko dahil sa pangambang mahawa ng COVID-19 kung kaya naman mahigpit na pinapayuhan ng gobyerno ang publiko na huwag na munang umalis ng kanilang mga tahanan kung wala namang importanteng pupuntahan o gagawin sa labas.


Talaga namang napakaganda ng “teepee tent” ni Baby Tali ay mukhang masayang masaya itong naglalaro kahit sa loob lamang ng kanilang tahanan.


Mapapansin sa mga larawan na kumpleto ang mga gamit ni Baby Tali sa kaniyang camping tent habang nanunuod ito sa kaniyang gadget ay mayroon pa itong kumot at unan. Ang mas nakakatuwa pa rito ay kasama ni Baby Tali ang kaniyang ama na naglalaro din sa tent na ito.



Kamakailan lamang ay nagdiwang ng ika-66 taong kaarawan si Vic Sotto sa kanilang tahanan. Tuwang-tuwa naman ang beteranong host at comedian dahil sa birthday greeting ng kaniyang 2 taong gulang na anak na kahit hindi pa masyadong malinaw ang pagsasalita ay talaga namang napakabibo at naka-cute.




error: Content is protected !!