Angel Locsin hindi nais pasukin ang pulitika ngunit handang magbigay serbisyo sa mga tao!



Para sa maraming mga Pilipino, si Angel Locsin ay isa sa pinakasikat na aktres sa telebisyon man o sa pelikula. Talaga namang hinahangaan siya ng marami dahil sa kaniyang angking kahusayan sa pag-arte at sa kaniyang taos-pusong pagtulong sa kaniyang kapwa.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ng aktres sa publiko na wala sa kaniyang plano ang pasukin ang pulitika bagkus ay nais lamang niyang tumulong sa mga taong nangangailangan. Para kay Angel, sapat na ang pagiging pilantropo niya na nagserserbisyo sa publiko sa halip na tumakbo siya bilang isang pulitiko sa hinaharap.



Sa naging Facebook Live ng “Regal Movies At Home” ay naitanong sa aktres kung plano nga ba niya talagang pumasok sa pulitika. Ayon kay Angel bilang isang aktres at sikat na personalidad sa ngayon, ang kaniyang buhay ay hayag na sa publiko ngunit ang pulitika para sa kaniya ay hindi sumasagi sa kaniyang isipan.


Kabilang din ang aktor na si Richard Gutierrez sa mga nakasama ni Angel sa naturang livestream. Wala din namang ibang nasabi ang aktor kundi puro papuri sa kaniyang kapwa artista.


Ayon kay Richard ay isang tunay na lider talaga si Angel. Isang napakagandang halimbawa nito at talagang marami siyang na-iinspire. Samantala, nagpasalamat naman ang Kagawaran ng Kalusugan sa suporta at pagtulong ni Angel sa pamahalaan upang malaban ang pandemyang COVID-19.

Maging ang alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno ay walang ibang masabi kay Angel kundi puro papuri lamang dahil sa naging kontribusyon ng aktres sa kanilang lugar. Nakalikom si Angel ng higit sa 11 milyong piso para sa mga “isolation” at “sanitation tent” sa 135 na mga ospital sa bansa.



Si Angelica Locsin Colmenares ay mas nakilala ng publiko bilang si Angel Locsin. Siya ay 35 taong gulang na aktres, commercial model, film producer at fashion designer. Siya ay malapit nang ikasal sa kaniyang nobyong si Neil Arce na talaga namang pinakaaabangan ng marami niyang mga tagasuporta at tagahanga.




error: Content is protected !!