Assunta De Rossi, masayang ibinahagi sa publiko ang kaniyang pagbubuntis!



Ang pagiging isang ina ay isang napakagandang biyaya mula sa Diyos. Bukod sa isa itong napakagandang karanasan para isang babae at sa kaniyang kabiyak at talaga namang isang napakagandang pagbabago rin nito.



Tunay nga na hindi mo na maibabalik pa ang iyong buhay noon bilang isang dalaga o binata at maging ang inyong buhay mag-asawa noong wala pa kayong supling ngunit talaga namang kakaibang karanasan ito para sa dalawang taong nagmamahalan at nagnanais ng isang buo at masayang pamilya. Nakakalungkot nga lamang malaman na mayroong ilang mga indibidwal ang hindi pinapalad na magkaroon ng anak dahil sa ilang mga dahilan.


Nakakalungkot man ngunit patuloy silang nananalangin at nagbabakasakali na mapagbigyan ang kanilang hiling na magkaroon ng anak. Kamakailan lamang ay kinagulat ng publiko ang pagbabahagi ni Assunta De Rossi patungkol sa kaniyang pagbubuntis.

Ayon sa aktres ay isang himala ang nangyari sa kaniya dahil sa hirap talaga siyang magbuntis noon pa man. Ito ay dahil sa kaniyang “Myoma” at “Endometriosis”.




Miracle baby kung ilarawan ng aktres ang munting anghel sa kaniyang sinapupunan. Ayon pa sa 37 taong gulang na aktres ay talagang hindi maayos ang kaniyang pakiramdam nitong mga nagdaang linggo habang siya ay nananatili sa kanilang tahanan bilang pagsunod na rin sa “enhanced community quarantine” na patuloy pa ring pinapairal sa maraming mga lugar sa bansa.

Ang ilan sa mga nararamdaman ni Assunta sa lumipas na dalawang buwan ay “fatigue”, “tender and swollen breasts”, “heartburn”, “food aversions”, pagduduwal, at pagkahilo. Ayon pa sa pahayag ng aktres, hindi siya dinatnan ng kaniyang buwanang dalaw kung kaya naman nagdesisyon siyang bumisita at magpatingin sa kaniyang doktor.

Matapos nga ang ilang mga pagsusuri ay lumabas na positibong buntis nga si Assunta. Nagdulot ito ng labis na kagalakan sa aktres at sa kaniyang pamilya.

“I know, shocking! Getting pregnant the natural way with myoma and endometriosis (which I both have) is extremely difficult. Only medical intervention or a miracle can make it happen. This was a miracle!” Pahayag ng aktres.

Ang aktres ay nagdalang-tao matapos ang halos 16 na taong pagsasama nila ng mister na si Jules Ledesma. Talaga namang napakagandang biyaya ang natanggap ni Assunta at ng kaniyang pamilya sa gitna ng krisis na pinagdaraanan natin sa ngayon.




error: Content is protected !!