Batang nagbabasa ng aklat sa isang bangka, umani ng maraming komento at reaksyon mula sa publiko!



Tunay nga na napakasarap ang mag-aral sa panahon natin ngayon. Bukod kasi sa libre na ang mga tuition fee sa ngayon ay marami na ring mga mas madaling paraan upang matuto at makadiskubre ng maraming mga bagay.



Nakakalungkot nga lamang dahil sa naudlot ang dapat sana ay pag-aaral ng mga kabataan dahil na rin sa banta ng pandemyang COVID-19 sa ating bansa at sa iba pang mga bansa sa buong mundo. Dahil sa kinailangang ihinto muna at ipasara ng pamahalaan ang mga paaralan ay sa tahanan na lamang nag-aaral ang ilang mga kabataan.

Ngunit kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng publiko ang bata na ito dahil sa kaniyang tahimik na pagbabasa ng libro habang siya ay komportableng nakahiga sa isang bangka. Tila nananabik na siyang pumasok muli sa eskwela at mapag-aralan ang mga paborito niyang aralin.


Talaga namang nakakamanghang malaman na sa kabila ng sitwasyon natin sa ngayon ay mayroon pa ring mga kabataan na nagnanais mag-aral ng kanilang mga leksyon sa halip na maglaro na lamang maghapon o di kaya naman ay gumamit ng gumamit ng kanilang mga gadget.

Maraming mga netizens ang bumilib dahil sa kahit pa mukhang payak at simple lamang ang pamumuhay ng bata sa larawan ay makikita ang kaniyang pagiging kuntento at kasiyahan na kahit papaano ay mayroon siyang mga libro na maaaring basahin at pag-aralan.



Ang naturang larawan ng batang babae na nag-viral ay ibinahagi ng Facebook page ng TV show na “Mission Possible”. Ang bata sa viral na larawan ay nakilala bilang si Hannah Mataverde. Ang kaniya mismong ina na si Virgie Mataverde ang kumuha ng mga larawan ng bata. Ayon sa ina ni Hannah ay talagang mahilig magbasa at gustong-gusto matuto ng kaniyang anak.

Nagsilbi siyang huwaran at inspirasyon sa marami pang mga kabataang Pilipino. Tunay nga na kahit pa mayroon tayong nararanasang krisis sa ngayon ay maaari pa ring mag-aral at matuto kung nanaisin mo lamang.






error: Content is protected !!