Nakakatuwang gawain ng mga kabataang Pilipino noon, nagbalik ng magagandang alaala sa mga netizens ngayon!



Bilang mga kabataan, sadyang napakarami nating mga bagay na nagawa. Talaga namang ito ang bumuo sa ating pagiging malikhain at sa ating magagandang karanasan bilang isang kabataang Pilipino.



Ilan sa mga bagay na ating ginagawa noong mga bata pa tayo ay ang pakikipaglaro sa ating mga kaibigan habang hindi natin alintana ang init ng araw o ang pawis na tumatagaktak sa ating likuran. Napakaraming mga netizens ang napangiti ng makita ang mga larawan ng mga kabataang ito na masayang nagtatampisaw sa mga ilog o patubig kasama ang kanilang mga kaibigan.


Ang ilan sa kanila ay mayroon pang dala na kaniya-kaniyang mga gomang gulong na nagsisilbing salbabida nila. Sinong mag-aakala na noon pala ay hindi pa problema ang mga kabataang Pilipino ang kanilang pagliliguan dahil sa sobrang linis pa noon ang mga katubigang ito.


Sa panahon kasi natin ngayon ay bukod sa maraming mga sakit na ang maaari nating makuha sa mga ilog at patubig na ito ay halos puro mga basura na lamang ang lumulutang sa mga ito na halos imposible na talagang pagliguan pa.



Bagamat mayroon pa ring iilang kabataan na nagtatampisaw sa mga ito sa kabila ng karumihan at matinding polusyon ay hindi na talaga pinapayuhan ng mga otoridad na gawin ito ng madalas dahil sa hindi magandang epekto nito sa ating pangangatawan. Bukod sa pagtatampisaw sa tubig ay nakagisnan din ng marami sa atin ang panghuhuli ng mga palaka sa bukid.

Marahil marami sa mga kabataan ngayon ang takot o di kaya naman ay nandidiri sa mga palaka. Ngunit noon ay talaga namang hinuhuli at kinakain pa ang mga palakang bukid ng maraming mga kabataan.

Talaga namang masaya silang inihahagis at pinaglalaruan ang mga nahuli nilang palakang bukid bago nila ito iuwi sa kanilang mga tahanan at ipaluto sa kanilang mga ina. Tunay ngang napakagandang alaala ang naiwan sa atin ng mga nakakatuwang gawain natin noon na sa ngayon ay tila napaglilipasan na ng panahon.






error: Content is protected !!