Pinakabatang Mayor sa Pinas na mayroon ding nobyang aktres, kilalanin!



Marami nang mga pangalan ng mga pulitiko ang naglalabasan ngayon sa social media ngunit hindi naman lahat ng ito ay mga hindi kanais-nais at masasamang balita lamang tungkol sa kanila. Mayroon din namang mga nakakatuwa at nakakabilib na mga balita tulad na lamang ng pagiging epektibo at mahusay na mga alkalde ng ilang mga Mayor na nakilala natin dahil sa social media.


Ang ilan sa kanila ay ang alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno, Mayora ng San Manuel, Tarlac na si Mayor Donya Tesoro, Pasig City Mayor Vico Sotto, at si Alaminos, Pangasinan Mayor Bryan Celeste. Aakalain mo bang 22-taong gulang lamang si Mayor Arth Bryan C. Celeste nang siya ay maging Mayor ng Alaminos City, Pangasinan.




Isinilang siya noong June 5, 1996. Ang kaniyang ama na si Arthur Celeste ay dating alkalde ng Alaminos. Si Mayor Bryan ay nakapagtapos ng kursong BS Entrepreneurship sa De La Salle University sa Maynila. Bago pa man siya tanghaling pinakabatang alkalde sa Pilipinas ay nagsimula siya sa pagiging isang Barangay Captain ng Barangay Magsaysay.


Kamakailan lamang ay hinangaan ng publiko ang batang alkalde dahil sa maagap at epektibo nitong pagseserbisyo sa kaniyang nasasakupan. Ngunit hindi batid ng marami na si Mayor Bryan pala ay mayroong nobya na isang sikat na aktres.



Siya ay ang Kapuso actress na si Pauline Mendoza na napanuod natin noon sa programang “Kambal, Karibal” sa GMA Network. Talaga namang kinakikiligan ngayon sa social media ang dalawa dahil kahit pa nga long distance relationship sila sa ngayon ay hindi pa rin nawawala ang kilig at sweetness sa kanilang relasyon.


Nagbahagi rin sa social media ang aktres kung gaano ito ka-proud sa kaniyang masipag at mapagmalasakit na nobyo. Ayon sa ilang mga ulat ay unang nagkakilala ang dalawa sa isang event ng ineendorsong produkto ng dalaga.



Sa Marikina naninirahan si Pauline habang sa Pangasinan naman si Mayor Bryan. Kahit pa magkalayo ay maayos naman ang kanilang relasyon. Napakaraming mga netizens ang talagang natutuwa dahil sa bagay na bagay talaga ang dalawa sa isa’t-isa.




error: Content is protected !!