Dating child actor na si John Manalo, masayang masaya sa piling ng kaniyang non-showbiz girlfriend!



Hindi madali ang pagpasok sa isang relasyon. Hindi ito isang simpleng desisyon lamang dahil sa kinakailangan mo talagang maging mas responsable at mas disiplinado sa oras na pumasok ka sa isang relasyon.


Dito masusukat ang iyong pagmamahal, pagpapasensya, pag-unawa at pagtitiis bilang isang indibidwal. Maaaring hindi araw araw ay masaya kayo ng iyong minamahal ngunit darating at darating talaga ang pagsubok sa inyong pagsasamahan.




Si John Vladimir Cruz Manalo ay mas nakilala ng maraming mga Pilipino bilang ang child actor na si John Manalo. Siya ay dating miyembro ng Star Magic.

Sa ngayon ay 24 na taong gulang na ang multi-awarded child actor na ito na pamangkin din pala ng mahusay na aktor na si Jericho Rosales. Kamakailan lamang ay labis ding hingaan ng publiko si John dahil sa ibinahagi nitong post sa social media kung saan buong pagmamalaki nitong ipinahayag ang kaniyang natatangi at wagas na pagmamahal sa kaniyang nobya na si Erika Rabara.



Ayon kay John, mas mainam na gawin mong matalik na kaibigan ang iyong kasintahan dahil dito ay mas magiging matatag at masaya ang inyong pagsasamahan. Dagdag pa ni John, inakala niya noon na ang masayang relasyon ay kinakailangan na magkaroon kayo ng maraming pagkakapareho ng iyong minamahal.

Hindi niya akalain na ang pagiging hindi nila perpekto ng kaniyang nobya ay magiging dahilan upang mas maging masaya at kuntento sila sa kanilang pagmamahalan. Ayon din naman sa social media post ng kaniyang napakagandang kasintahan, lubos ang pagpapasalamat nito sa Kapuso artist dahil sa siya ang nagsilbing liwanag ng dalaga sa mga panahong nakakaramdam siya ng kalungkutan o di kaya naman ay mayroong matinding pagsubok na kinakaharap.



Talaga namang kinabiliban ng maraming mga netizens ang pahayag nilang ito patungkol sa kanilang relasyon. Bagamat maituturing pa rin naman sila bilang mga kabataan dahil sa kanilang edad sa ngayon ay kapansin-pansin ang pagiging malawak ng kanilang pagkaunawa at kaisipan.




error: Content is protected !!