Judy Ann Santos, proud na ibinahagi sa netizens ang kaniyang mga “uban” habang naka-quarantine!



Si Judy Anne Lumagui Santos-Agoncillo ay 41 taong gulang na aktres sa telebisyon at pelikula. Isa rin siyang reality television host, recording artist, film producer, chef, author at social media influencer.


Mayroon siyang sarili niyang YouTube Channel na Judy Ann’s Kitchen kung saan mas pinabibilib niya ang publiko sa kaniyang kakayahang magluto ng mga masasarap na putahe para sa kaniyang pamilya. Nakilala din si Juday bilang tagapagmana ni Superstar Nora Aunor, ito ang dahilan kung bakit siya binansagang “Young Superstar”.



Ilan sa mga sikat na aktres sa industriyang inihahanay din sa kaniyang pangalan ay sina Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta at Maricel Soriano. Dahil sa angkin niyang talento at kahusayan sa kaniyang pag-arte ay tinawag siyang “Prime Superstar” at “Queen of Philippine Soap Opera”.

Siya ay ikinasal sa batikang host na si Ryan Agoncillo noong 2009. Isinilang ni Juday si Juan Luis o si Lucho noong Oktubre 2010.



Taong 2016 naman ay ipinanganak niya ang ikatlong anak nilang si Juana Luisa. Si Yohan ang panganay ng mag-asawa na adopted child ng aktres bago pa man sila ikinasal ni Ryan.

Kamakailan lamang ay hinangaan ng publiko kung paano yakapin ng aktres na si Juday ang mga pagbabago ng kaniyang katawan dahil na rin sa kaniyang edad. Ika-4 ng Mayo ng magbahagi siya ng larawan kung saan ipinakikita niya ang kaniyang mga “uban” o mga puting buhok na kadalasan ay senyales na ng iyong pagtanda.


Nilagyan niya ito ng caption na, “Reality bites ngayong ECQ.. Naglabasan ang uban ko.”

Kinagiliwan ng publiko ang pagiging palabiro nito dahil sa kaniyang pahayag patungkol sa ilan sa kaniyang mga uban na tila hindi man lang dumaan sa pagkabinata at pagkadalaga dahil sa kulay puti na kaagad sila kahit katutubo pa lamang ng mga ito. Naghamon pa ang aktres na sumali ang ilang mga netizens sa animo’y “uban challenge” na ito kung saan magbabahagi din sila ng kanilang mga larawan habang ipinapakita ang kanilang mga uban ngayong ECQ.



Game na game naman sina Mylene Dizon at Gladys Reyes na paunlakan ang kaniyang hamon. Samantala, ayon naman sa mga tagasuporta ng aktres ay maganda pa rin naman siya kahit na mayroon na siyang uban.




error: Content is protected !!