Kauna-unahang gamot para sa COVID-19, aprubado na sa US FDA!



Nagulantang ang publiko sa mabilisang paglaganap ng sakit na COVID-19 sa maraming mga bansa sa buong mundo. Dahil sa napakabilis na paglobo ng mga taong nahahawa ng sakit na ito ay hindi rin nagtagal at dineklara na itong pandemya.



Talaga namang maraming mga tao ang naapektuhan, napakaraming mga tao ang pumunaw dahil sa sakit na ito, at maraming mga pamilya ang nagluksa. Nananalangin ang bawat isa na sana ay matapos na ang kalbaryong ito na nararanasan natin upang magbalik na rin sa dati ang ating mga buhay.


Sa kabila ng matinding hirap, at pagsubok na pinagdaraanan natin nang dahil sa pangyayaring ito ay mapalad pa rin ang marami sa atin dahil sa wakas ay mayroong nang nadiskubreng kauna-unahang gamot sa pandemyang COVID-19.

Ayon sa naging social media post ng isa sa pinakanirerespeto at pinakahinahangaang doktor sa bansa na si Doc Willie Ong ay ibinahagi nitong naaprubahan na ng US FDA ang kauna-unahang gamot sa COVID-19, ang Remdesivir.



Ang gamot na ito ay nagpapabilis ng paggaling ng mga pasyente ayon na rin sa ACCT Trial. Nagkaroon ng malaking pagsusuri ng 1063 COVID patients sa halos 22 mga bansa sa buong mundo. Ito ay “randomized” at “placebo controlled trial”.

Napatunayan sa preliminary results na bibilis ang “recovery time” ng mga COVID positive patients. Ginagamit din ang “Remdesivir” para sa mga “severe cases” ng naturang karamdaman bukod pa sa pagdadagdag nito para sa “supportive treatment”.



Hanggang sa ngayon ay mayroon pang ilang mga gamot na sumasailalim pa rin sa Clinical Trials (WHO Solidarity Trial) at mayroon ding ilan pang mga bakunang pinag-aaralan kontra COVID-19. Maraming mga netizens naman ang labis na nagpasalamat dahil sa wakas ay mababawasan na ang bilang ng mga taong nasasawi dahil sa pandemyang ito.

Tunay nga na napakarami pa rin nating dapat ipagpasalamat ng lubos sa Diyos dahil sa kabila ng maraming mga pagsubok na ating nararanasan ay hindi pa rin Niya tayo pinababayaan.






error: Content is protected !!