Kayamanan o ganitong klase ng bukirin, ano ang iyong pipiliin?



Ayon sa isang kasabihan, turuan mong mangisda ang isang tao kaysa bigyan siya ng isda. Sa pamamaraan na ito ay mas matututo siyang mamuhay para sa kaniyang sarili kaysa sa umasa at dumepende sa iyo.



Tunay nga naman na napakagandang aral nito para sa maraming mga Pilipino. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang mga larawan na ito sa Facebook Page na Pilipinas Trending Viral.



Ito ang naging caption sa viral na post na ito, “Paano kung bigyan ka Diyos ng ganitong farm sa halip na kayamanan, tatanggapin mo ba ang mga prutas at gulay na ito?” Sadyang napakahirap nang tanong na ito para sa iilan dahil sa sino ba naman ang aayaw sa kayamanan o di kaya naman ay hindi papayag na magkaroon ng isang malawak na bukirin na hitik na hitik sa maraming mga bunga ng prutas at gulay.



Sa panahon natin ngayon na mayroon tayong kinakaharap na mahirap na pagsubok ay talaga namang naging aral na sa atin na dapat ay marunong tayong mag-ipon o maging wais sa paghahawak o pagpapalago ng ating mga pera. Ngunit higit pa rito ay napakahalaga din pala na mayroon tayong pinagkukuhanan ng mga sariwa at masustansiyang pagkain.


Marahil ay marami ang magsasabing mas nais nilang magkaroon ng kayamanan kaysa sa magkaroon ng mabungang lupain o bukirin. Ngunit talaga namang hindi mo rin mapakikinabangan ang iyong mga kayamanan o malaking halaga ng salapi sa mga ganitong panahon.



Ang pagkakaroon ng isang matabang lupa ay maituturing nang napakalaking biyaya mula sa Diyos dahil sa nasa sa iyo na lamang ang pamamaraan kung paano ka makapagpapalago o makapagpapabunga ng iyong mga pananim na prutas at gulay. Dapat nating pakatandaan na hindi dapat tayo masanay sa mga maluluhong bagay sa mundong ito.

Bagkus ay mas masanay tayo nang nagsusumikap at nagtitiyaga sa mga bagay na nais nating makamit sa buhay.





error: Content is protected !!