Categories: Viral

Kilalanin ang nakakabilib na “boses” sa likod ng ABS-CBN!

Marahil ay nagtataka kayo kung sino nga ba ang tao sa likod ng mga linyang naririnig natin sa telebisyon. Isa na sa mga pinakamalaki at pinakakilalang estasyon sa buong bansa ay ang ABS-CBN network.

Ngunit tiyak na mas mamangha at bibilib kayo kapag nakilala na ninyo ang tinaguriang “boses ng ABS-CBN”. Marahil ay hindi kilala ng marami sa atin si Peter Musñgi, ngunit siya lang naman ang nagsilbing boses ng Kapamilya network sa mga patalastas, spiels, trailers, teasers, at voice over sa loob ng maraming dekada.

Siya ay isang batikang radio announcer sa Pilipinas. Naitampok siya sa Facebook Page ng ABS-CBN News. Ayon sa kaniya, dapat mong ma-capture ang “spirit of the program”, “energy of the program”, at ang “branding of the program” bilang isang epektibong announcer.


Hindi man naging madali ang kaniyang naging pagsisimula sa kaniyang larangan ay talaga namang nagpapasalamat siya sa pagkakataon na ibinigay sa kaniya. Ibinahagi niya na ilang beses din siyang nabigo at na-reject noon ngunit dahil sa kaniyang dedikasyon, talento, at pagsusumikap ay narating niya ang rurok ng kaniyang tagumpay sa ngayon.

Mula pa noong 1987 ay naging voice over na siya ng Kapamilya network hanggang sa kasalukuyan. At isa na nga sa pinakapopular na linya niya ay ang “ABS-CBN.. In the Service of the Filipino.. worldwide..”

Nagtapos siya bilang isang “Certified Public Accountant” sa University of the East at pabiro pang pagbabahagi nito ay siya lamang ang “double CPA” sa bansa dahil sa isa rin siyang “Certified Public Announcer”. Bagamat sikat na sikat ang kaniyang mga linya noon pa man nakakasakay pa rin siya ng jeep at taxi nang walang nakakakilala sa kaniya.

Wala rin diumanong nagtatanong sa kaniya patungkol sa pagiging pamilyar ng kaniyang boses. Naging matagumpay din naman siya sa kaniyang buhay may-asawa dahil sa 43 taon na siyang kasal sa kaniyang misis at biniyaan sila ng tatlong mga anak.

Isa sa kanilang mga anak ay ANC announcer, isang piloto, at isang nangangasiwa ng kanilang maliit na negosyo.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago