Sikat na vlogger planong mamahagi ng P10,000 na ayuda sa mahihirap na pamilya!



Si Basel Manadil o mas nakilala ng maraming mga Pilipino bilang si “The Hungry Syrian Wanderer” ay mamamigay ng P10,000 halaga ng ayuda o tulong pinansyal para sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino sa buong buwan ng Mayo 2020. Ayon sa ilan mga ulat ay personal niyang pipiliin ang mga karapat-dapat na makatanggap ng tulong na ito.



Batid ng publiko na nais talagang tumulong ni Basel lalo na sa mga Pilipinong nangangailangan. Bagamat maraming nagsasabing ginagawa niya lamang ang mga ito bilang “content” ng kaniyang mga video vlogs, marami din naman ang nagtatanggol dito ay nagsasabing ipinangtutulong din naman nito sa maraming mga tao ang kaniyang kinikita sa pagiging isang vlogger dito sa Pilipinas.


Kamakailan lamang ay muli na namang bumilib ang maraming mga netizens sa kaniya dahil sa kaniyang bagong proyekto upang matulungan ang mga Pilipino. Ang tawag sa bago niyang proyekto ay “10,000 pesos Ayuda Segment”.


Ayon pa sa vlog ni Basel, hindi man niya matulungan ang buong bansa sa ngayon ay titiyakin niyang matulungan ang talagang mga nangangailangan lalo na sa ngayon na talagang napakabigat ng pagsubok na ating pinagdaraanan. Layunin din ng sikat na vlogger na ito na mabuhay muli ang espiritu ng bayanihan ng maraming mga Pilipino at ang pagbabahagi ng kabutihan at pagtutulungan sa kapwa.


Isa na sa kaniyang mga natulungan ang isang ginang na naapektuhan ng lindol noong taong 2017. Malayo sila sa siyudad at halos wala ring nakakarating na tulong sa kanilan lugar.



Nag-uulam din sila ng bagoong para lamang magkalaman ang kanilang kumakalam na sikmura. Talaga namang maraming mga netizens ang humanga at bumilib kay Basel dahil sa kaniyang buong pusong pagtulong sa mga Pilipinong nangangailangan ng tulong.

Kahit pa nga siya ay mula sa isang dayuhang bayan ay hindi siya nagdalawang-isip na tulungan tayong mga Pilipino. Nagpapatunay lamang ito na siya ay mayroong pagmamahal at pagmamalasakit sa ating lahi.



Sa ngayon ay minahamal na rin niya ang bawat tradisyon at kultura nating mga Pilipino dahil sa ilang taon na rin niyang pamamalagi sa ating bayan.




error: Content is protected !!