Do-it-yourself AirCon malaking tulong sa napakainit na panahon ngayon!



Isa sa pinakahihintay ng maraming mga Pilipino lalo na ang maraming mga mag-aaral sa bansa ay ang panahon ng tag-init o summer. Ito kasi ang hudyat ng kanilang bakasyon mula sa eskwela at marami sa mga pamilyang Pilipino ang talagang naglalaan ng kanilang mga oras upang makapamasyal o makapunta sa ibang mga lugar.


Maaaring sa probinsiya, sa amusement parks, o sa mga resorts! Sino ba naman ang aayaw na magtampisaw sa tubig lalo na ngayong napakainit na talaga ng panahon?



Sa kasamaang-palad ay umiiral pa rin hanggang sa ngayon ang “enhanced community quarantine” sa maraming mga lugar sa bansa upang malaban at mabaang COVID-19. Dahil sa kinakailangan nating lahat na manatili sa ating mga tahanan ay marami naman sa atin ngayon ang talagang ramdam na ramdam na ang kainitan ng panahon.


Hindi na nakapagtataka at marami na ring mga Pinoy ang bumibili ng kanilang mga inflatable pools o di kaya naman ay nakukuntento na sa batya na lamang magbabad. Sadyang mahal din kasi talaga ang pagbili at ang pagpapakabit ng air conditioning unit.



Bukod pa ang malaking bayarin sa bill ng kuryente. Buti na lamang ay naging viral ang mga larawang ito sa social media kung saan maaari pa lang makagawa ng do-it-yourself na AirCon!


Talaga namang bibilib ka sa kahusayan ng mga Pilipino pagdating sa ganitong mga bagay. Ang kailangan lamang gamitin sa DIY AirCon ay PVC Pipes, Styro na lalagyan ng mga yelo, Yelo, at Bentilador!



Kailangan lamang lagyan ng mga butas ang styro gamit ang mga PVC Pipes, ilagay ang yelo sa loob ng styro at tutukan ng electric fan! Tiyak na mapapawi na ang sobrang init kahit sa sandaling oras lamang.


Huwag na huwag ding kalimutan na maging maingat bago ito gawin, habang ginagawa at matapos itong gawin. Mas mabutin nang maging maingat tayo lalo na kung gagawa tayo ng mga DIY projects tulad nito.






error: Content is protected !!