Hindi matawaran ang napakagandang ngiti ng ginang na ito na nakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno!



Maraming mga Pilipino sa ngayon ang nangangailangan ng tulong mula sa ating pamahalaan dahil talaga namang naging napakabigat na pagsubok ang ating kinakaharap dahil sa pandemyang patuloy na nananalanta sa maraming mga bansa sa buong mundo. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na ito at mga taong walang ibang ginagawa kundi ang humusga at mambatikos ay talaga namang nakakatuwa pa ring malaman na mayroon pa ring mga tao na pinapalad na mabigyan ng tulong pinansyal tulad ng ayuda ng DSWD na Social Amelioration Program (SAP).


Isa sa mga ito si Lola Veronica Piliton, 65 taong gulang ng Purok P.I.16, Barangay Heights, General Santos City. Siya ay nakatanggap ng P5,000 mula sa DSWD.



Ayon sa pahayag ng ng DSWD XII sa kanilang Facebook page ay hindi raw napigilan ng matanda na magtatalon nang makuha ang pera. Dagdag pa ni Lola Veronica ay iyon na ang pinakamalaking halaga ng salapi na nahawakan niya sa buong buhay niya.

Si Lola Veronica at ang mister niyang si Lolo Venancio, 68-anyos ay tanging pangangalakal lamang ang ikinabubuhay. Nangongolekta sila ng mga bote, bakal at plastik kung saan kumikita lamang sila ng P100 bawat araw.



Dahil sa ipinatupad na ECQ ay hindi muna sila nakapaghanapbuhay at halos isang beses na lamang silang kumakain mag-asawa sa isang araw. Agad naman nilang ibinili ng bigas at iba pang mga pangangailangan sa kanilang bahay ang nakuha nilang pera.

Talaga namang hindi mapapantayan ang kasiyahan ng matandang mag-asawa dahil sa wakas ay nakatanggap din sila ng tulong mula sa gobyerno. Ang mag-asawa ay naninirahan sa kanilang bahay na mula sa pinagtagpi-tagping yero lamang at mga gamit na nakukuha sa pangangalakal.


Umani ng maraming mga positibong komento at reaksyon mula sa publiko ang naturang post. Tunay nga na sa panahon ay nabibigyan pa rin ng mga pagkakataon ang mga taong katulad nina Lola Veronica at Lolo Venancio.

Maraming mga netizens ang natuwa at talaga namang nabuhayan ng pag-asa.






error: Content is protected !!