Mga apo na nambastos sa kanilang lola, humihingi ngayon ng tawad dahil sa viral video!



Kamakailan lamang ay talaga namang nagpainit sa dugo ng maraming mga netizens ang ginawang pambabastos at pagpapalayas ng mga apo na ito sa kanilang matandang lola. Kaagad na nagviral ang video ng kawalan ng respeto ng mga babaeng ito sa nakatatanda sa kanila.



Sa naturang viral video ay makikita ang babaeng apo na lumapit sa nakaupong lola na mayroong hawak na patalim. Tuwang-tuwa ang apo sa kaniyang ginagawang pambabastos sa kaniyang lola at tila nagsasasayaw pa ito.

Nang lumabas ang isa pang apo ay nagawa pa nitong saktan ang kanilang lola na talaga namang mas lalo pang nagdulot ng galit at inis sa mga makakapanuod nito. Nagtangka din namang gumanti ang matanda ngunit masyado na siyang mahina upang maipagtanggol ang kaniyang sarili sa mga bastos niyang apo.



Maliban sa pambabastos na ginawa ng mga babaeng ito ay tila pinapalayas na rin nila ang matanda dahil sa malaking bag na inilabas ng mga apo. Agad na nag-viral ang naturang video kung kaya naman labis na naalarma ang mga apo at agad silang humingi ng tawad sa matanda.


Maraming mga netizens ang hindi makapaniwalang magagawa ito ng mga babae kung nasa matino man silang kaisipan. Walang matinong tao ang gagawin ang ganoong pambabastos sa nakatatanda anuman ang sitwasyong kinalalagyan nila.

Tayong mga Pilipino ay likas na magalang, mapagmahal at may takot sa Diyos. Kung kaya naman nakakalungkot lamang talagang isipin na magagawa ito ng sarili niyang mga apo sa kawawang matanda.



Maaaring naging makulit o sa tingin nila ay pabigat na sa kanila ang matanda nilang lola, ngunit kahi saan pang anggulo tingnan ay talaga namang mali at hindi ito katanggap-tanggap na gawin sa isang matanda lalo na at batid naman natin na nasa dapithapon na sila ng kanilang buhay. Tayo sana dapat ang gumagabay at umaalalay sa kanila gaya ng ginawa nilang pagmamahal sa atin noong tayo ay bata pa.




error: Content is protected !!