Mala-glass skin ni Jinkee Pacquiao nagkakahalaga pala ng P38,000!



Napakahalaga para sa mga kababaihan ang magkaroon ng makinis at mala-porselanang kutis. Mas nagkakaroon sila ng kumpiyansa sa sarili kung mas nabibigyan nila ng panahon na maalagaan at maingatan ang kanilang balat.



Ang bahagi ng mukha at leeg ang isa sa pinaka-inaalagaan at pinaka-iningatan ng maraming mga kababaihan. Marahil ay marami sa atin ngayon ang humahanga sa angking kagandahan ng misis ng legendary boxer at senador na si Sen. Manny Pacquiao.

Siya ay walang iba kundi si Jinkee Pacquiao. Sa edad niyang 41 taong gulang at mayroong limang mga anak na sina Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Princess), Queen Elizabeth (Queenie) at Israel ay talaga namang mukhang dalaga pa rin ang sikat na personalidad.



Kamakailan lamang ay naitampok pa nga sa kaniyang vlog ang kaniyang skin care routine na kung susumahin ay aabot ng mahigit sa P38,000. Narito ang ilan sa mga produktong kaniyang ginamit at ang mga presyo nito.


Una na rito ang PCA Facial Wash na mabibili sa Estados Unidos na nagkakahalaga ng $33 o P1,700. Kung minsan ay sinasamahan pa niya ito ng PCA Skin Creamy Cleanser bago pa man niya ilagay sa kaniyang mukha at leeg.

Naglagay din siya ng PCA Skin Nutrient Toner matapos nito na nagkakahalaga ng $40 o P2,050. Face cream naman ang sinunod niyang inilagay sa kaniyang mukha na Mesoestetic Post-Procedure Fast Skin Repair.
Ang produkto na ito ay nagkakapagbigay ng buhay sa balat at nakapagpapabilis ng paghihilom ng mga damage skin tissues. Ayon sa site ng produktong ito ay nagkakahalaga ito ng P3,359.37.

Anti-aging cream naman ang nilagay ni Jinkee sa kaniyang mukha pagkatapos. Ilang patak ng Mesoestetic Proteoglycans Anti-Aging Ampoules na mayroong halaga na P3,493.74.

Makalipas nito ay minasahe niya rin ang kaniyang mukha ng PCA Skin Clear-skin na isang skin nourishing moisturizer na bukod sa nakakapagpalinis ng balat ay nakapagpapakalma din nito. Ang presyo nito ay $49 o P2,490.45. Gumamit din siya ng PCA Skin Hydraluxe na mayroong halaga na $147 o P7,471.35.

Mayroon din siyang ginamit na produkto para sa kaniyang leeg, ito ang Rodial Chin and Neck Lift na $97.95 ang halaga o halos katumbas ng P4,978.36. Ang huling inilagay ni Jinkee sa kaniyang mukha ay ang PCA Skin Rejuvenating Serum na ang halaga ay $92 o P4,675.95.

Gumamit din siya ng iba pang mga produkto na nagkakahalaga ng P5,235.03. Kung kaya naman ang kabuuang halaga ng skin care routine ni Jinkee ay P38,170.




error: Content is protected !!