TikTok videos ni Tony Labrusca kasama ang kaniyang mga kasambahay patok ngayon online!



Dahil na rin sa pinaiiral na “enhanced community quarantine” sa maraming mga lugar sa bansa ay patuloy pa ring naghahanap ang mga tao ng kanilang mapaglilibangan at mapaglilipasan ng kanilang oras. Marami sa atin ngayon ang madalas na nagba-browse sa internet upang kahit papaano ay mabawasan ang ating pagkainip.



Ang iba naman ay nasisiyahan manuod ng mga videos at movies online. Habang ang ilan ay masaya na sa pakikipag-usap o sa kanilang komunikasyon sa kanilang mga mahal sa buhay at mga malalapit na kaibigan. Huwag din nating kalimutan ang sikat na sikat at patok na patok na libangan sa ngayon ng maraming mga Pilipino, ang paggawa ng mga TikTok videos. Noon pa man ay marami na ang giliw na giliw sa app na ito.


Ngunit mas lalong tumindi ang kasikatan nito ng mas kahiligan ito ng publiko na pangtanggal inip habang patuloy pa ring pinaiiral ang ECQ sa bansa. Hindi lamang mga ordinaryong Pilipino ang nahihilig dito dahil sa bentang-benta rin naman ito sa mga celebrities at isa na sa mga ito ang 24-anyos na Kapamilya actor na si Tony Labrusca.


Siya ay si Anthony Angel Jones Labrusca, Jr. sa tunay na buhay. Siya ay isang American actor, recording artist at commercial model.

Una na siyang hinangaan noon nang makilala siya sa patalastas ng McDonalds noong 2016 na “Tuloy Pa Rin”. Talaga namang kinagiliwan ng publiko ang kaniyang mga TikTok videos kung saan kasakasama niya rin ang kaniyang mga kasambahay.



Pinuri naman ng maraming mga netizens ang aktor dahil kahit pa nga isa itong sikat na personalidad sa industriya ng show business ay masaya itong nakikihalubilo sa kaniyang mga kasambahay. Mapapansin rin sa kaniyang mga viral videos na tila magkaibigan lamang sila ng kaniyang kasambahay na game na game rin naman sa pag-indak kasama ang kaniyang amo.

Tunay nga na hinangaan ng marami ang pagiging mapagpakumbaba at masiyahin ni Tony. Hindi niya na itinuturing na ibang tao ang kaniyang mga kasambahay bagkus ay bahagi na ng kaniya mismong pamilya.

Talaga namang mapapa-sana all ka na lang kung ikaw ay isang kasambahay at mayroong kang amo na mala-Tony Labrusca.






error: Content is protected !!