Bulag na lalaking nakatira lamang sa bubong, tinulungan ng mga volunteers na magkaroon ng sarili niyang bahay!



Literal na bubungan lamang ang tinitirhan ng matandang lalaki na ito na isa ring bulag. Siya ay naninirahan sa Barangay Nanerman in Santo Domingo, Ilocos Sur. Nasira ang kaniyang dating tahanan dahil sa matinding bagyo dalawang taon na ang nakalilipas. Dahil wala na siyang kakayahan pa upang muling maitayo ang kaniyang nasirang tirahan.



Sa loob ng dalawang taon ay talaga namang napakahirap ng sitwasyon ni Tatay Rogelio Tabangcura. Tila ba nakasanayan na ng kawawangmatanda ang kaniyang posisyon na palaging nakaupo o nakayuko.


Hindi na maituturing na ligtas ang tinitirahan ng matanda at mas mahirap pa ang kaniyang sitwasyon dahil sa siya ay walang makita. Nagbibigay naman ng tulong sa matanda ang kaniyang mga kapatid sa pamamagitan ng paghahatid dito ng makakain paminsan-minsan ngunit madalas ay nag-iisa lamang ang matanda sa kaniyang tagpi-tagping tahanan.


Nang masilayan ang mahirap na kalagayan ng matanda ay agad namang nagpasimula ng isang fundraising drive ang isang OFW mula sa Washington, USA. Ang OFW ay nakilala bilang si Krishna Tobia na agad namang nakalikom ng $2,000 o katumbas ng P100,000 para sa bagong tahanan ni Tatay Rogelio.


Mayroon din namang ilang indibidwal na nagdonate ng ilang mga materyales habang ang ilan pa sa mga tao roon ay nagboluntaryong tumulong sa pagpapagawa at pagpapatayo ng mismong tahanan ng matanda.
Sa wakas ay magkakaroon na ng mas ligtas na matitirahan si Tatay Rogelio at hindi na niya kakailanganin pang mamaluktot para lamang magkasya sa kaniyang munting bubungan.



Sa dating tahanan ng matanda ay nakasanayan na niyang matulog sa karton lamang ngunit dito sa bago at maayos niyang tahanan ay tiyak na mas magiging komportable siya at magkakaroon na siya ng mga bagay na talagang kakailanganin niya sa araw-araw niyang pamumuhay.

Mas magiging komportable na siya sa kaniyang pagtira sa maayos niyang tahanan. Buti na lamang at mayroong mabubuting tao na hindi nagsasawang tumulong at magmalasakit sa mga taong katulad ni Tatay Rogelio.






error: Content is protected !!