Isang Pinay namuhay sa isang isla habang naka-quarantine!



Isa ka rin ba sa mga Pilipinong nangangarap na libutin ang buong mundo o di kaya naman ay makita ang natural na kagandahan ng buong Pilipinas? Talaga namang napakasarap mamasyal at mamangha sa ganda ang isang lugar.


Ngunit kung magkakaroon ka ng pagkakataon na manirahan sa lugar at sa pamamaraan na iyong nais, mas pipiliin mo ba ito kaysa mamuhay sa nakasanayan mong lugar? Kung mayroong iilan sa atin ang talaga namang maligaya na ang mamuhay ng komportable sa kanilang mga kinalakihang lugar, tila iba naman dito ang opinyon ng isang Pinay na nakilala bilang si Ara Neyra.




Mas pinili kasi niyang manirahan sa isang isla habang umiiral ang “enhanced community quarantine” sa ating bansa. Ayon sa ilang mga ulat, ninais talaga ni Ara na manirahan muna sa isla ng Siargao nang malaman niyang ipatutupad ang ECQ sa National Capital Region (NCR).


Ayon pa sa dalaga, noon pa man ay hilig na niya ang pagbibiyahe. Dahil na rin sa hilig niyang ito ay nakakilala siya ng mga kaibigan sa naturang isla na sa ngayon ay pinatitira siya ng libre sa kanilang mala-paraisong isla.



Bilang ganti naman ng dalaga ay tumutulong ito sa paghahanda ng mga pagkain at sa iba pang mga gawaing bahay. Halos dalawang buwan na rin ang nakararaan mula nang ipinatupad ang ECQ sa bansa at napakarami na ding nagawa ni Ara sa isla.

Sa ngayon ay hindi pa rin batid ng dalaga kung hanggang kailan siya maninirahan sa islang pinapangarap tirhan ng marami ngunit hanggang hindi pa nagbabago ang pinapairal na batas ng pamahalaan ay mananatili pa rin siya sa Siargao ayon sa dalaga. Umani ng maraming mga komento ang kwentong ito ng dalaga na talaga namang pinapangarap din ng marami sa atin.



Sadyang napakasarap naman kasi talagang manirahan sa isang paraiso na malayo sa maingay at mausok na siyudad. Ikaw, nanaisin mo rin bang manirahan sa isla kung bibigyan ka ng pagkakataon?




error: Content is protected !!