Presyo ng Nokia 3210 noon umabot pala halos sa P10,000 ang halaga habang P1,000 naman ang sim card!



Naging napakalaking tulong sa maraming mga indibidwal ang modernong teknolohiya sa ngayon at gayundin naman ang mga makabagong gadgets na ating nagagamit sa pang-araw araw. Mas nagiging madali at komportable ang maraming mga bagay sa ngayon kaysa noon na limitado lamang ang mga bagay na mayroon tayo.


Isa na marahil sa mga gadgets na mas napapakinabangan natin sa ngayon ay ang cellphone na talaga namang nagagamit natin sa maraming mga bagay na ginagawa natin sa araw-araw. Ilan na sa mga ito ay ang maayos at komportableng paraan ng komunikasyon sa isa’t-isa, maaari din itong magamit sa pagnenegosyo, o di kaya naman ay sa paglilibang habang nagbabasa ng mga artikulo online.



Ibinahagi ng Facebook Group na “We Are ‘90s” ang larawan ng isang lumang pahayagan kung saan makikita ang isa sa pinakaunang cellphone noon. Isa ito sa pinakasikat na basic phone noon ang Nokia 3210.


Ngunit sadyang napakamahal pala talaga nito noong una itong inilabas sa merkado. Ang naturang cellphone unit ay nagkakahalaga lang naman ng P9,890 o halos sampung libong piso na.


Kung tutuusin ay napakalaking halaga pa rin ng sampung libong piso hanggang sa ngayon ngunit tiyak na mas malaki ang katumbas nitong halaga ilang mga taon pa ang nakakaraan. Mayroon ding impormasyon tungkol sa dating halaga ng isang sim card noon.

Aakalain mo bang nasa P990 o halos isang libong piso pala ang sim card noon? Maraming mga netizens ang talaga namang bumilib at namangha na ganito pala ang halaga ng kinalakihan nating cellphone noon at maging ang ilang mga sim card na sa ngayon ay madalas higit pa sa isa ang ating pamamay-ari.


Talaga namang nakakabilib din ang mga bagay at impormasyong natutuklusan nating tungkol sa ating nakaraan. Madalas nating inaalala ang mga ito ngunit batid din naman nating kailanman ay hindi na natin maibabalik pa ang mga panahong lumipas na.




error: Content is protected !!