Ivana Alawi, nagparetoke daw ng ilang bahagi ng kaniyang katawan?



Isa ka rin ba sa mga humahanga sa angking kagandahan at karisma ng isang Ivana Alawi? Marahil ay naririnig mo na rin ang mga usap-usapang napakaraming mga kalalakihan na ang nahuhumaling sa kaniya ngayon.


Mayroon pa ngang ilang nakakatuwang kwento ng mga misis o di kaya naman ay ng mga girlfriend na mas inuuna pang i-like ng kanilang mga mister o nobyo ang hot and daring photos ng aktres kaysa sa kanilang mga social media posts. Bagamat mayroong ilang mga nagagalit sa Ivana, mas marami naman ang nagmamahal at humahanga sa kaniya bilang isang babae, isang anak, at isang kapatid.




Marahil ay hindi lang talaga maiiwasan ng kahit sinong artista ang mga usap-usapan patungkol sa kanilang personal na buhay. Halimbawa na lamang ay ang kumakalat na usap-usapan patungkol sa diumano ay pagpaparetoke ni Ivana sa ilang bahagi ng kaniyang katawan tulad na lamang ng kaniyang pwet.


Nilinaw naman ng dalaga sa naging panayam sa kaniya noon ni Boy Abunda sa programa nito na hindi siya nagparetoke kailanman. Naikwento din ng aktres na inaasar siya noon ng kaniyang mga kaklase dahil sa wala daw siyang pwet na talaga namang ikinasama ng kaniyang loob.


Buti na lamang ay nagsilbing lakas ng loob niya ang kaniyang ina na ikinumpara pa siya kay Jennifer Lopez na talagang sikat na sikat pa noon. Noon napag-isipan ni Ivana na mas mahalin ang kaniyang katawan at ang bawat bahagi nito.


Sinang-ayunan din naman ng kaniyang kapatid na si Mona Louise Rey sa kanilang vlog na “natural beauty” ang taglay ng kaniyang ate. Ayon kay Ivana, kung bibigyan man siya ng pagkakataon na makapagparetoke ay ipapaayos niya ang kaniyang ilong dahil sa mas gusto niyang medyo maliit pa ito.


Ngunit sa ngayon ay masayang masaya pa rin naman siya at kuntento sa mga bagay na mayroon siya at sa kaniyang sariling pangangatawan.




error: Content is protected !!