Mommy Dionisia ipinasilip ang kaniyang napakagandang mansyon sa General Santos City!



Si Mommy D. o Mommy Dionisia ang ina ng ating pambansang kamao na si Senador Manny Pacquiao. Talaga namang napakapalad niya dahil sa naging pursigido, matiyaga, at determinado sa buhay si Sen. Manny.


Dahil dito ay maraming mga buhay ang nagbago at natulungan ng Pambansang Kamao. Kasama na rito ang maayos at komportableng buhay sa ngayon ng kaniyang mga magulang, mga kapatid at ilan pang mga kamag-anak.




Kamakailan lamang ay hinangaan ng publiko ang pagpapasilip ni Mommy D. ng kaniyang napakagandang tahanan na matatagpuan sa General Santos City. Pinasilip niya sa publiko ang kaniyang koleksyon ng mga “dancing shoes”.


Buong pagmamalaki niya itong ibinahagi sa publiko na kaniyang naipon dahil sa kaniyang hilig sa pagsasayaw. Mayroon din siyang koleksyon ng mga tea cups, at iba pang mga bagay na nabili niya sa kaniyang pamamasyal sa ibang mga bansa.



Maging ang ilang mga ticket sa laban ng kaniyang anak na si Sen. Manny Pacquiao ay itinatabi rin nito bilang alaala. Malawak at maganda ang tahanan ng ina ni Sen. Manny. Bukod pa ang ipinapatayo nitong chapel malapit mismo sa kaniyang tahanan. Mapapansin din sa viral video ang mga sasakyan sa loob ng tahanan ni Mommy D.

Nagbahagi rin ng kwento noon si Mommy D. kung saan hindi siya nakakatanggap ng rasyon na gamot at bitamina mula sa kanilang barangay dahil sa sadyang “overweight” na ang kaniyang mga anak. Ito ay dahil na rin sa kaniyang pagsusumikap sa buhay para sa kaniyang mga anak kahit pa nga wala siyang katuwang noon sa pagpapalaki sa mga ito dahil hiwalay na sila ng kaniyang mister.



Naging mahirap man ang buhay nila noon ngunit naging masipag naman si Mommy D gayundin ang kaniyang mga anak upang makaraos sila sa buhay. Tunay nga na kahit pa mahirap ang buhay noon ay naging matagumpay naman sila sa ngayon sa kanilang pamumuhay.




error: Content is protected !!