Isang Pinay nadiskubreng ang tunay niya palang ama ay hari ng Malaysia!



Maraming mga kabataang babae ang nangangarap hanggang sa ngayon ng mala-Fairytale na buhay. Ang maging isang prinsesa, tumira sa isang malayong kaharian, makakilala ng isang prinsipe, at mamuhay ng masaya habang buhay.



Ito na yata ang isa sa pinakamagandang panaginip para sa ilang mga batang babae. Ngunit para sa isang Pilipina na nadiskubreng ama niya pala ang hari ng Malaysia, talaga namang nakakamangha at sa una ay hindi mo aakalaing totoo pala!




Inakala niya noon na gawa gawa lamang ng kaniyang ina ang naturang kwento upang hindi na niya hanapin pa ang kaniyang ama na noon ay hindi niya talaga nakikilala. Kalaunan ay naniwala na siyang totoo pala na siya ay anak ng isang Hari at siya ay isa nga talagang Prinsesa!




Ibinahagi ng isang half-Pinay at half-Malaysian Princess na ito ang kaniyang nakakamanghang kwento sa “Humans of New York” para sa “quarantine stories series” nito. Ayon sa prinsesa, naaalala niya ang araw na iyon w siya ay nasa Kindergarten pa lamang.





May event sa kanilang paaralan at kailangang umattend ng mga tatay ng mga bata ngunit hindi nakapunta ang kaniyang ama. Tinanong niya ang kaniyang ina tungkol dito ay sinabi nitong abala pa ang kaniyang ama na nakatira sa Malaysia na isang Hari.

Nalungkot talaga siya nang malaman na hindi makakapunta ang kaniyang ama sa kanilang paaralan ngunit sadyang naging kaligayahan sa kaniyang malaman na anak siya ng isang hari kung kaya naman siya ay isang prinsesa. Nanirahan na sila sa Estados Unidos makalipas ng ilang taon nila sa Pilipinas.



Ngunit sa isang maliit na paupahang apartment lamang sila naninirahan, taliwas sa mga malalawak at magarbong mga palasyong tinitirahan ng mga prinsesa. Nang siya ay 14 na taong gulang na ay mayroong tumawag sa kanilang tahanan na kakaibang boses sa telepono.


Agad niya itong iniabot sa kaniyang ina. Sinabi naman ng kaniyang ina na nais siyang makilala ng kaniyang ama. Nagtungo sila noon sa London at nanatili sa InterContinental hotel. Naikwento sa kaniya ng kaniyang ina na isang nars noon na nagkakilala sila ng kaniyang ama na hari sa isang party.

Nang makilala niya ang kaniyang ama ay nasorpresa siya dahil sa isa nga siyang hari. Ang kaniyang ama ay ang “Sultan of Pahang”, “the king and the hereditary constitutional head of Pahang, Malaysia”. Siya ay nakilala bilang “His Royal Highness Sultan Haji Ahmad Shah Al-Musta’in Billah ibni Almarhum Sultan Abu Bakar Ri’ayatuddin Al-Mu’azzam Shah”. Mayroon siyang asawa na isang “official and royal consort”, Tengku Ampuan Afzan binti Tengku Panglima Perang Muhammad.

Nang siya ay pumanaw ay muling nag-asawa ang kaniyang ama, si Kalsom binti Abdullah. Maraming nagtatanong kung bakit hindi pinakasalan ng hari ang kaniyang ina ngunit mas marami ang bumilib kung paano siya pinalaki ng kaniyang ina.

Talaga namang kapansin-pansin ang wagas na pagmamahal ng kaniyang ina sa kaniya kahit pa nga tumayo itong nag-iisa niyang magulang sa lumipas na mga taon.

Source: Humans of New York / Facebook

Photo Credit: Humans of New York




error: Content is protected !!