Marcelito Pomoy tinulungan ang isang matandang babae na makapagpatayo ng kaniyang bahay!



Hindi madali ang nararanasan nating pagsubok sa ngayon dahil na rin sa hindi inaasahang paglaganap ng nakakahawang sakit na COVID-19 hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa marami pang mga lugar sa buong mundo. Nakakalungkot man at nakakatakot ang mga nangyayari sa ating kapaligiran sa ngayon ay marami pa rin namang mga taong nagnanais tumulong sa mga nangangailangan.



Sa gitna ng COVID-19 pandemic ay hindi napigilan ang PGT Pinoy Edition Grand Champion na si Marcelito Pomoy na tulungan ang isang senior citizen sa Quezon Province na nakilala bilang is Nanay Aurora Verano na makapagpatayo ng sarili niyang bahay. Nalaman ni Marcelito ang kalagayan ni Nanay Aurora mula sa post ng isang Aiza Hernandez.


Ibinahagi niya sa kaniyang post ang sira-sirang tahanan ng matanda na sampung taon nang naninirahan dito. Hindi nagdalawang-isip si Marcelito na ipagpatayo ng bagong bahay si Nanay Aurora. Sa loob ng apat na araw ay agad na natapos ito.


Kasama pa si Aiza noong dinalaw ng sikat na singer ang matanda sa bago at maayos nitong bahay. Ayon sa ilang mga ulat ay binaklas ang lumang tahanan ng matanda noong unang araw at nilagyan na nila ito ng bubungan at pader ng sumunod na araw.


Kulay pula ang napili nilang kulay para sa bagong tahanan ni Nanay Aurora. Binilhan din naman ni Marcelito ng lamesa, upuan at higaan si Nanay Aurora.



Hindi rin niya kinalimutang bilhan ng ilang mga gamit sa kusina ang matanda. Talaga namang masayang masaya si Nanay Aurora dahil sa mayroon na siyang mas matibay at mas komportable na tirahan kaysa noon.

Tunay nga na mayroon pa rin pa lang mga tao na mayroong mabuting kalooban na handang tumulong sa mga taong nangangailangan tulad na lamang ni Nanay Aurora. Mapalad siyang ibinahagi ni Aiza ang kaniyang sitwasyon sa social media na pumukaw naman sa atensyon ng singer na si Marcelito Pomoy.




error: Content is protected !!