Spaghetti na dinuguan ang sauce, usap-usapan ngayon sa social media!



Maraming mga Pilipino ang talaga namang nahihilig kumain lalo na sa ngayon na ilang buwan na rin tayong nasa loob lamang ng ating mga tahanan dahil na rin sa “enhanced community quarantine” na pinapairal ng ating pamahalaan upang mas maproteksyon tayo laban sa pandemya na lumalaganap ngayon sa maraming mga bansa sa buong mundo.



Ilan sa mga ginagawang libangan ng maraming mga Pilipino sa ngayon ay ang paglalaan ng oras kasama ang pamilya, paggawa ng mga gawaing bahay, panunuod ng mga pelikula o Korean Dramas, at pagluluto ng iba’t-ibang putahe ng pagkain.


Kamakailan lamang ay kinaaliwan sa social media ang kakaibang recipe na ito ng isang netizen na nakilala bilang si Prince Quilang. Pinagsama niya kasi ang Italian food na “Spaghetti” at ang isa sa pinakamasarap na lutong Pinoy, ang “Dinuguan”.



Spaghetti with Dinuguan Sauce ang kinalabasan ng kaniyang recipe. Nakakatuwa rin naman ang kaniyang caption na “Wala ng saice ng spaghetti pero may dinuguan naman.”

Nakasanayan na nating meryenda ang Spaghetti na paborito ng maraming mga kabataan at mga young-at-heart. Habang ang dinuguan naman ay nakasanayan nang ulam ng marami sa atin o di kaya naman ay tineternohan natin ng puto.


Dahil sa ginawang recipe na ito ni Prince ay talaga namang marami ang naintriga kung ano nga kaya ang lasa ng Spaghetti na mayroong Dinuguan. Habang mayroon din namang ilang mga netizens na nagsasabing hindi nila nanaising tikman ang fusion na ito dahil sa ayos na sa kanila ang nakasanayan nilang lasa ng mga putahe na ito.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:



“Lakas tama naman ng gumawa nito. Hehe. Pero infairness, curious ako kung ano ang lasa, pero hindi ko maimagine kung gagawin ko rin,” pahayag ng isang netizen.


“Parang yung Korean noodles na black ang sauce hahaha, ano ba naman iyan…”komento pa ng isang netizen. “Mukhang kakaiba nga. Ang tawag diyan ‘Dark Carbonara’ hehehe why not hindi ba?” Saad pa ng isa.




error: Content is protected !!