Cartoon character na si Pucca hindi pala Chinese ang nasyonalidad?



Marami sa ating mga Pilipino ang talaga namang mahilig sa mga nakakatuwang karakter tulad na lamang ng mga cartoon character na Hello Kitty, Stitch, Mickey Mouse, Donald Duck, Bugs Bunny, Tweety at marami pang iba. Ngunit lingid pala sa ating kaalaman ay hindi pala Chinese ang isa sa pinakapaborito nating cartoon character na Pucca.



Sino ba naman ang hindi matutuwa sa napaka-cute na hitsura ni Pucca? Bukod sa kaniyang bilugang mukha ay singkit rin ang kaniyang mga mata at talagang aakalain mong Chinese talaga siya!

Usap-usapan ngayon sa social media ang tunay na nasyonalidad ng sikat na karakter na ito na patok na patok sa mga bata at sa mga “young-at-heart”. Nagulat ang publiko sa ibinahaging post ni Minnie Seok sa social media sa tunay na nasyonalidad ni Pucca.


Bagamat mukha talaga itong Chinese mula ulo hanggang paa, ang totoo palang nasyonalidad nito ay Korean. Ayon sa Fandom Wiki entry ni Pucca, siya pala ay isang South Korean na napamahal sa isang ninja trainee na nagngangalang Garu.


Ang ibig sabihin ng pangalang Pucca ay “Goddess” sa salitang Koreano. Ang lumikha kay Pucca ay ang VOOZ Character System na mula rin sa South Korea.

Ang karakter na ito ay sumikat sa iba’t-ibang panig ng mundo tulad na lamang sa Amerika, Europe, at Asia matapos itong ipalabas sa ilang mga TV channels. Maging sa Netflix ay mapapanuod rin siya.



Maraming mga Pilipino ang nagulat at namangha sa rebelasyong ito kung kaya naman hindi na rin nakapagtataka na umani ng 4,300 reactions kung saan karamihan ay “wow ang viral na post. Mayroon na din itong higit sa 700 na bilang ng mga comments, at 13,000 shares habang isinusulat ang artikulo na ito.

Marami sa mga netizens na nakabasa ng post na ito ang talaga namang hindi makapaniwala dahil sa edad nila ay nalaman na rin nila sa wakas ang tunay na lahi ni Pucca. Siya pala ang kauna-unahang Korean na minamahal ng maraming mga Pilipino.




error: Content is protected !!