Pambahay na damit ni Jinkee Pacquiao, Gucci at Louis Vuitton lang naman!



Si Jinkee Capeña Jamora-Pacquiao ay 41 taong gulang na pulitiko, socialite, media personality at occasional film producer. Siya ang kabiyak ng senador at legendary boxer na si Sen. Manny Pacquiao.

Isa siyang” beauty consultant” noon nang magkakilala sila ng Pambansang Kamao. Taong 2000 nang sila ay ikasal at biniyaan sila ng limang mga anak, sina Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Princess), Queen Elizabeth (Queenie) at Israel.



Kilala ang kanilang pamilya hindi lamang dahil sa matagumpay na karera ni Sen. Manny sa kaniyang pagboboksing kundi dahil sa kanilang pagkakawang-gawa at pagtulong sa kapwa. Isa sila sa pinakamayaman at pinakahinahangaang pamilya sa bansa ngayon.


Kamakailan lamang ay talaga namang namangha ang publiko sa ilang mga post ni Jinkee sa kaniyang social media account. Nito lamang Huwebes, ika-7 ng Mayo ay nagpost siya ng kaniyang branded pambahay outfits na talaga namang ikinagulat ng publiko.


Ang kaniya kasing suot suot na pambahay ay isang Cat pajama shirt mula sa “Catogram,” ito ay isang Louis Vuitton collaborative collection ng dating Vogue creative editor na si Grace Coddington. Taong 2018 nang mai-launch ito.



“Iconic” at “rare” kung ilarawan ang pajama set na ito. Nabili at naubos naman kaagad ang collection na ito.

Ayon sa ilang mga ulat ay nagkakahalaga ang “top” nito ng $1,900 o halos P96,000 habang ang “trousers” naman nito ay $1,730 o halos P87,000. Matapos nito ay nagpost siyang muli ng isa pang OOTD photo, ang kaniyang “Gucci Invite Stamp silk shirt and pants”.

Bahagi naman ito ng koleksyon na “Italian luxury brand’s spring/summer 2018 collection”. Ang “silk shirt” ay mayroong presyong $2,376 o halos P120,000 habang ang “pants” naman nito ay nagkakahalaga ng $1,237 o halos P62,000.



Ang mga mamahaling damit na ito ay mabibili sa Farfetch.com. Talaga namang napakapalad ng pamilya Pacquiao dahil nagsimula man sila sa hirap ay nagsumikap sila upang mapunta sa kinalalagyan nilang estado sa ngayon.




error: Content is protected !!