Isang delivery rider na gumamit lamang ng tape para sa kaniyang sirang sapatos, nakatanggap ng Nike shoes sa kaniyang customer!



Sa kabila ng umiiral pa ring enhanced community quarantine (ECQ) sa maraming mga lugar sa bansa ay hindi natitinag ang delivery rider na ito na magtrabaho kahit pa nga sira ang kaniyang sapatos at tape na lamang ang nagdidikit dito. Patuloy silang nagtatrabaho hindi lamang upang magbigay serbisyo sa publiko kundi upang masuportahan din ang kanilang mga pamilya.



Ngunit hindi inaasahan ng delivery rider na ito na bibigyan siya ng kaniyang customer ng bagong pares ng sapatos. Ibinahagi sa social media ng isang online shoe seller na nagngangalang Zhang Wang ang naging pangyayari kung paano nila tinulungan ng kaniyang mister na si Mark Wang ang isang delivery rider.

Binigyan nila ito ng isang Nike Air Max 270 na isa sa kanilang mga bestseller. Maraming mga netizens ang talaga namang naantig sa kwentong ito kung kaya naman mas marami pang tumulong sa naturang delivery rider.


Mayroon pa ngang isang customer na nagbigay ng bigas sa kaniyang ng makilala niyang ang nag-deliver pala sa kaniya ay ang naturang delivery rider. Ayon pa sa pagkukwento ni Zhang, araw-araw na talagang pumupunta sa kanila ang delivery rider mula sa J&T, isang logistics company, para sa mga pick up deliveries ng kanilang mga ibinebentang sapatos.

Napansin ng mag-asawang sira at tape lamang ang nagdidikit sa sapatos nito.


“Si kuya, araw-araw nagpi-pick-up sa amin ng mga pa-order namin online. Sobrang nakakaproud lang. Kahit sira na sapatos nya, go pa rin sa pagtatrabaho para sa pamilya. Kanina, nakita namin na nakascotchtape ung sapatos nya. Sabi ng husband ko, ‘Kuya,anong nangyare sa sapatos mo?’ Nahihiya si kuya na sinabing, ‘Bumigay po sir eh. Kaya ini-scotchtape ko nlng,’” Pagbabahagi pa ni Zhang.



Hindi nagdalawang-isip si Mark na paupuin muna ito at itanong ang sukat ng kaniyang paa. Hindi naman masukat ang labis na kagalakan ng rider dahil sa wakas ay mayroon na siyang bagong sapatos na magagamit niya sa kaniyang pagtatrabaho.




error: Content is protected !!