Isang sikat na “female cosplayer” noon pang 2012 ibinunyag na isa pala talaga siyang lalaki!



Si Crome ay isa sa pinakasikat na babaeng Cosplayer sa China. Ngunit nabigla ang lahat ng ibunyag nito na ang tunay pala niyang kasarian ay lalaki.

Laking pagtataka ng publiko dahil sa tinagal-tagal ay hindi nadiskubre ng marami na ang magandang dalagang ito ay isa palang tunay na lalaki. Inamin din naman niya na ang dati niyang trabaho ay isang art teacher ngunit kalaunan ay iniwanan niya rin ang kaniyang propesyon para sa pagiging isang female cosplayer dahil sa mas malaki naman talaga ang kinikita niya rito.



Ibinahagi niya na noong taong 2007 siya nagsimulang magsuot ng mga damit ng mga cosplayer na babae ngunit taong 2012 lamang siya nagbahagi ng mga larawan niya habang suot suot ang mga kasuotang pambabae. Naging komportable na rin siya ng mga panahon na iyon na magdamit babae at maglagay ng mga make-up.


Nakakabili na rin siya noon ng mga costumes, makeup, wigs, at iba pang mga kailangan para sa pagko-cosplay.



“At that time, I was already working and living by myself, so I was able to buy things like makeup and accessories from my salary. That year I built up the courage to attend by first cosplay event. There was this female anime character I really liked, and I just wanted to try to cosplay as her. That was it!” Pagbabahagi pa ni Crome.



Sa ngayon ay napakarami na niyang mga tagahanga at tagasuporta sa social media. Sa katunayan ay mayroon na siyang higit sa 130k followers sa Weibo, isang sikat na social media app sa China.

Kahit pa nga hindi siya tunay na lalaki ay naiimbentahan rin siyang dumalo sa mga cosplay events na puro babae lamang ang pinahihintulutang dumalo. Talaga namang nabigla ang publiko dahil sa rebelasyong ito ngunit mas marami pa rin ang labis na namangha dahil sa angkin niyang kagandahan kahit pa nga siya ay isa palang tunay na lalaki.




error: Content is protected !!