Mga sikat na personalidad na kasama sa TOP 100 stockholders ng ABS-CBN



Mula nang naibalita at nalaman ng publiko ang pagpapasara sa ABS-CBN network dahil sa isyu patungkol sa kanilang franchise renewal ay hindi na rin napigilan pa ang pagkalat ng mas maraming mga kontrobersiya patungkol sa pulitika, sa istasyon at maging sa ilang mga artista nito.



Ang ABS-CBN ay isa sa pinakamatagumpay na kompanya sa ating bansa. Isa itong korporasyon kung kaya naman napakarami ring nagtatanong kung sino-sino nga ba ang mga sikat na personalidad na kabilang sa mga stockholders nito.


Isa pala sa Top 100 Stockholders ng ABS-CBN Corporation ay ang sikat na musikero at negosyante na si Jose Mari Chan. Siya ay nasa ikasiyam na pwesto. Siya ang presidente at chairman ng Signature Music, Inc. at siya rin ang CEO at chairman ng A. Chan Sugar Corporation at Binalbagan Isabela Sugar Company. Inc. (BISCOM). Ayon sa ilang mga ulat ay tinatayang nasa 1,257,130 shares ang pagmamay-ari ng sikat na mang-aawit sa ABS-CBN Corporation.


Si Carlo Lopez Katigbak naman na siya ring CEO at president ng ABS-CBN Corporation ay nasa top 13 stockholder.


Si Ma. Socoro “Cory” Vidanes naman na siyang “Chief Operating Officer” ng network ay nasa Top 14.

Ang kilalang direktor naman na si Direk Lauren Dyogi ay nasa ika-16 na puwesto sa listahan ng stockholder.



Ang managing director ng Star Cinema na si Olivia Lamasan ay nasa ika-20 na puwesto.
Ang nasa ika-25 na puwesto naman ng mga stockholder ay ang TV Patrol anchor at dating bise-presidente na si Noli De Castro.

Habang nasa ika-26 naman na pwesto naman ang Quezon City Mayor na si Joy Belmonte kasama ang dating “Speaker of the House” na si Feliciano Belmonte, Jr. Ang aktres at pilantropo namang si Angel Locsin ay nasa ika-29 na pwesto.

Si Daniel Padilla naman ay nasa ika-54 na puwesto. Ang aktres at modelong si Bea Alonzo nasa ika-55 na puwesto sumunod sa aktor na si Daniel Padilla.



Ang dating Kapamilya artist at Queen of All Media naman na si Kris Aquino ay nasa ika-64 naman na puwesto.

Samantala, ang nasa ika-76 na pwesto naman ay si Ice Seguerra sumunod si Vic Sotto na nasa top 77. Si Angelica Panganiban ang nasa ika-79 na pwesto, si John Estrada ang nasa ika-88 na puwesto habang nasa ika- 96 na puwesto naman ang Kapamilya actress na si Kim Chui.




error: Content is protected !!