Isang lalaki ang nabigo ng matuklasan niyang ang kaniya palang nobya ay nagpapanggap lamang na maganda at bata!



Isang lalaki ang talaga namang nagulantang nang madiskubre niya na ang kaniyang kasintahan ng dalawang taon, ang inaakala niyang magandang babae na palagian pa niyang ka-chat at pinapadalhan ng pera ay isa pa lang mapaganggap na babae.

Hindi man lang ito kamukha o kahawig ng larawan ng mga babae na pinapadala ng kaniyang nobya sa kaniya!



Ilang taon na ring namamalagi si Yusuf sa South Korea dahil sa kaniyang trabaho roon at talaga namang napakapalad niya upang makatagpo ng isang napakagandang binibini mula sa Indonesia na nakilala niya sa social media.


Hindi nagtagal ay napamahal sila sa isa’t-isa at pumayag ang babae na magkaroon sila ng pagkakaintindihan at doon nga nagsimula ang kanilang long distance relationship.


Sa panahon ngayon ay mas madali na nga naman ang pagkakaroon ng ganitong ugnayan kahit pa magkalayo ang dalawang tao dahil sa laganap na rin naman ang internet ngayon saan mang dako ng mundo.


Talaga namang masaya ang nagiging usapan at pagchachat nila sa isa’t-isa. Ngunit kung video call naman ang hiling ng nobyo ay palagi na lamang nakasuot ng belo ang nobya.

Dahil sa pag-aakala na ginagawa lamang ng nobya ang pagtatalukbong na iyon bilang tanda ng kaniyang pagpapahalaga sa kaniyang puri bilang isang babae ay hindi na niya ipinilit pa sa nobya ang magpakita ng buong mukha nito.



Talaga namang lumukso ang puso ni Yusuf nang ang nobya mismo nito ang magyaya ng kasal sa kaniya.

Kung kaya naman labis itong nagpursige sa kaniyang trabaho para sa nalalapit nilang kasal, nagpadala siya ng pera sa kaniyang nobya na nagkakahalaga ng $700 o 1 milyong Rupiah.

Maging ang mga pangangailangan ng kaniyang mahal na nobya ay siya na rin ang gumagastos hanggang dumating na nga ang oras ng kanilang kasal at sila ay magkikita na sa mismong kasal nila.



Hindi akalain ni Yusuf na ang napakaganda niyang nobya ay isa pala talagang matandang babae sa harapan at hindi tulad ng mga larawan ng magandang babae na pinapadala niya rito.




error: Content is protected !!