Netizens nagulat nang malaman ang tunay na pagtrato ni Isabelle Daza sa kaniyang mga kasambahay!



Kung ikaw ay isa sa mga taong mayroong kasamang “helper” o kasambahay, marahil ay nag-iisip ka rin ng ilang mga pamamaraan kung paano magiging maayos ang pakikisama mo sa kanila at ang kanilang pagtatrabaho sa iyo at sa iyong pamilya. Kamakailan lamang ay pinabilib ng aktres/host na si Isabelle Daza ang publiko kung paano niya itrato ang kanilang mga kasambahay.



Nagbahagi ang 32 taong gulang na celebrity mom ng kopya ng kontratang ibinibigay niya sa kaniyang mga kasambahay. Ang naturang kontrata ay naaayon sa Domestic Workers Act of 2013 o ang Republic Act. Non 10361.


Mas kilala ang batas na ito sa tawag na “Batas Kasambahay” kung saan idinedetalye rito ang mga karapatan ng isang kasambahay at ng employer nito. Pumukaw sa atensyon ng publiko ang mga pamamaraang ito na ginagawa ni Isabelle sa kanilang tahanan.


Nagbibigay rin siya ng ilang mga katangungan sa kanilang mga kasambahay upang malaman niya ang kanilang mga saloobin o komento sa kanilang trabaho. Ibinahagi niya ito sa kaniyang Instagram stories. Tuwing ikatlong buwan niya ito pinapasagutan sa kaniyang mga kasambahay.


Ilan sa mga katanungan dito ay kung kailan ba naiinis sa kaniya ang kaniyang mga kasambahay, kung ano ang bagay na pinakanakakapagod sa kanila, kung mahal ba nila ang kanilang trabaho at marami pang iba. Ikinatuwa ng publiko ang magandang pagtrato ni Isabelle sa kanilang mga kasambahay at mapapansin rin naman ito sa mga naging kasagutan nila sa questionnaire na ipinamamahagi niya sa mga ito.



Nais din ni Isabelle na maituring nang propesyonal ang pagiging isang kasambahay dahil sa hindi naman talaga biro ang hirap na kanilang pinagdaraanan lalo na ang mawalay sa kanilang mga mahal sa buhay para lamang kumita ng pera at masuportahan sila.

Tiyak na dahil sa magandang pagtrato na ito ni Isabelle sa kaniyang mga kasambahay ay mas magiging inspirasyon ito sa publiko at mas maraming mga tao pa ang rerespeto at gagalang sa propesyon ng mga kasambahay dito sa bansa.






error: Content is protected !!