Top 20 Pinay Celebrities na sobrang ganda pa rin kahit walang make-up!



Sila pala ang mga kilalang Pinay celebrities na ubod pa rin ng ganda kahit walang make-up.

Beauty Gonzalez



Si Beauty Gonzalez-Crisologo ay 28 taong gulang na Spanish-Filipino actress na nagmula pa sa Dumaguete City. “Rebellious Beauty” ang naging palayaw sa kaniya nang siya ay sumali sa reality show na Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus kung saan siya ay naging 4th grand placer.


Loisa Andalio


Si Josefina Loisa Francisco Andalio ay isang 20-anyos na aktres, mananayaw at mang-aawit. Siya ang “Talented Darling ng Parañaque” sa Pinoy Big Brother: All In.

Ryza Cenon



Si Rhiza Ann Cenon Simbulan ay 32 taong gulang na aktres, modelo, mananayaw at pintor. Naging Ultimate Female Survivor siya ng ikalawang season ng StarStruck.

Coleen Garcia



Si Danielle Claudine Ortega Garcia-Crawford, o mas kilala ng publiko bilang si Coleen Garcia ay 27 taong gulang na aktres, host, at modelo.

Elisse Joson

Si Maria Chriselle Elisse Joson Diuco, aka Elisse Joson ay 23 taong gulang na aktres, modelo at endorser.

Pia Wurtzbach

Si Pia Alonzo Wurtzbach ay 30 taong gulang na modelo, aktres, at beauty queen na kinoronahan bilang Miss Universe 2015.

Lovi Poe

Si Lourdes Virginia Moran-Poe ay 30 taong gulang na aktres, endorser, modelo at mang-aawit. Siya ay anak ng namayapang Action King na si Fernando Poe Jr.

Jessy Mendiola

Si Jessica Mendiola Tawile ay 27 taong gulang na aktres na mas nakilala pa nang gumanap siya bilang si Maria Mercedes.

Catriona Gray

Si Catriona Elisa Magnayon Gray ay 25 taong gulang na Filipino-Australian na modelo, mang-aawit, visual artist, at beauty queen na kinoronahan bilang Miss Universe 2018.

Julia Montes

Si Mara Hautea Schnittka ay 24 na taong gulang na aktres na naging bahagi rin ng “Goin’ Bulilit” at lubos pang sumikat dahil sa kaniyang natatanging pagganap sa Mara Clara.

Carla Abellana

Si Carla Angeline Reyes Abellana ay 33 taong gulang na aktres at modelong nakilala bilang si Rosalinda noong 2009.

Sarah Lahbati

Si Sarah Alzol Lahbati ay 26 na taong gulang na aktres, modelo at endorser. Nakilala siya bilang Female Ultimate Survivor ng StarStruck V.

Megan Young

Si Megan Lynne Talde Young ay 29 na taong gulang na aktres, host, modelo, at endorser. Siya ang kauna-unahang Pilipina na kinorohanan bilang Miss World 2013.

Ellen Adarna

Si Ellen Meriam Go Adarna ay 31 taong gulang na aktres at modelo. Siya ay mula sa isang prominenteng pamilya na may-ari ng ilang mga hotels, resorts, condominiums at ng Queensland, ang chain ng mga motel sa Cebu, Manila at Davao.

Cristine Reyes

Si Ara Cristine Pascual Klenk ay 30 taong gulang na aktres at modelo at naging bahagi rin ng Kapuso realiy talent show na StarStruck.

Kristine Hermosa

Si Anna Kirsten Esmeralde Hermosa Orille ay 36 na taong gulang na aktres at modelo na nakilala sa mga programang Pangako Sa ’Yo, Sana’y Wala Nang Wakas, at Dahil May Isang Ikaw.

Yassi Pressman

Si Yasmin Isabel Yasto-Pressman ay 24 na taong gulang na aktres, mananayaw, endorser at modelo na mas naging tanyag pa dahil sa kaniyang pagganap sa “FPJ’s: Ang Probinsiyano” bilang si Alyana.

Anne Curtis

Si Anne Curtis-Smith ay nakilala bilang isang mahusay na aktres, host, modelo, at endorser.

Liza Soberano

Si Hope Elizabeth Soberano ay 21 taong gulang na aktres na nakilala rin dahil sa tambalan na LizQuen.

Marian Rivera

Ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera Gracia-Dantes ay 35 taong gulang na aktres, endorser, host at modelo na talaga namang hinahangaan ng publiko dahil sa angkin niyang kagandahan at kahusayan sa pag-arte.




error: Content is protected !!