Hindi magandang prank ng isang customer sa isang rider, umani ng maraming komento sa social media!



Sa panahon natin ngayon, sadyang napakarami nang mga bagay ang talaga namang nagpapadali at nagpapagaan ng ating mga buhay. Isa na marahil sa mga ito ang mga online deliveries na talaga namang patok na patok sa maraming mga Pilipino lalo na ngayong umiiral pa rin ang enhanced community quarantine o ang modified enhanced community quarantine sa maraming mga lugar sa bansa.


Hindi mo na kakailanganin pang umalis ng iyong tahanan dahil dito muna mismo hihintayin ang mga produkto o ang mga pagkaing iyong binili. Nakakalungkot lamang na sa mga panahon ding ito ay nagkalat ang mga taong mapagsamantala at mga manloloko.




Tulad na lamang ng ibinahaging karanasan ng may-ari ng isang food business. Ayon sa Facebook page ng “ChaCha Special Binalot sa Dahon”, mayroon silang maging customer noong ika-14 na araw ng Mayo, 2020.

Ibinahagi nila ang mga screenshot ng naging pag-uusap ng naturang customer at ng negosyante. Una nang pinaalalahanan ng naturang Facebool page na huwag na sanang tularan pa ng iba ang hindi magandang gawain ng isa sa kanilang mga customer na sa kagustuhan lamang makaperwisyo sa kanilang kapwa ay gagawing isang “prank” ang pag-order at pagpapadeliver ng pagkain.


Hindi na nila alintana ang abala at perwisyong maidudulot nito hindi lamang sa may-ari kundi maging sa “rider” na magdedeliver sa kanila ng kanilang mga kinanselang orders. Ayon pa sa customer, babanggitin na lamang nila ang pangalan ng rider at ng naturang negosyo sa kanilang vlog dahil sa hindi naman sila naging piko sa ginawa nilang prank.


Mapapansing galit ang taong kausap ng customer dahil sa hindi magandang biro nito. Hindi talaga kasi makatarungan na bago pa man magsarado ang establisyemento ay inihabol pa talaga nila ang order ng customer at nagmalasakit pa ang kanilang rider na ideliver ito kahit pa umaambon ng mga oras na iyon dahil sa pag-aalalang walang kakainin na hapunan ang customer kung hindi nila ito maihahatid sa oras.


Samantala, tila hindi naman alintana ng customer ang pangit niyang ginawa base na rin sa kaniyang mga naging pananalita sa kanilang naging usapan.




error: Content is protected !!