Bago pa man nadakip ng NBI si Francis Leo Marcos ay natulungan pa nito ang isang matandang nakahandusay sa bangketa!



Sa panahon natin ngayon, maraming mga kapus-palad na nangangailangan ng tulong mula sa mga taong mayroong mabuting puso. Buti na lamang at kahit papaano ay mayroon pa ring mga taong hindi nagdadalawang-isip na tumulong sa mga nangangailangan.



Tulad na lamang halimbawa ng 40 taong gulang na pilantropo at social media influencer na si Francis Leo Marcos. Siya ay nakilala sa social media dahil sa pagpapauso niya ng “Mayaman Challenge”.

Ayon sa mga video na kumakalat sa social media ay talaga namang mapapansin ang kaniyang taos-pusong pagtulong sa publiko. Hindi alintana ang paggastos ng kaniyang mga kayamanan makatulong lamang sa mga labis na nangangailangan.



Kamakailan lamang ay nagulat ang publiko nang mapabalitang dinakip siya ng mga kawani ng NBI dahil diumano sa paglabag niya sa Optometry Law. Ngunit bago pa man ang nangyaring pagdakip na ito ay natulungan pa pala ni Francis ang isang matandang babae na nakahandusay sa isang bangketa na talaga namang kalunos-lunos ang kalagayan sa gitna ng bumubuhos na ulan.




Ika-15 araw ng Mayo ng kumalat sa social media ang post ng isang netizen na nakilala bilang si Steffie Han. Sa kaniyang post ay nananawagan siyang matulungan ang isang matandang babae sa nakakaawa nitong kalagayan.

Makikita sa larawan na nakahiga ang matandang babae sa isang bangketa sa Barangay 93, Pasay City. Labis na kumurot sa puso ng publiko ang sitwasyon ng matanda dahil sa lamig na lamig ito habang bumubuhos ang ulan sa nakasanayan niyang tirahan sa bangketa.



Ayon pa sa post ay hindi naman din nagawang aksyunan ito ng mga taga-barangay at pinaalis na lamang ang matanda sa naturang lugar. Nakarating naman ito sa kaalaman ni Francis na agad na tumulong sa matanda.

Pinapunta niya agad ang kaniyang team sa pangunguna nina Mary Ann Victori at Nestor Victori upang makapagpaabot ng tulong sa matandang babae. Nang matagpuan nila ito ay agad nilang pinaliguan, binihisan, at pinakain.



Binigyan rin nila ng kaunting panggastos ang matanda. Talaga namang labis na hinangaan ng marami ang ginawang pagtulong na ito ni Francis sa kawawang matanda na sa ngayon ay nasa maayos nang kalagayan.



error: Content is protected !!