Beth Tamayo ibinahagi ang kaniyang naging buhay matapos iwanan ang showbiz!



Isa na marahil sa pinakahinahangaang aktres noon ay si Beth Tamayo. Sino ba naman ang makakalimot sa isang napakaganda at napakahusay na aktres na ito?

Hanggang sa ngayon nga ay marami pa rin sa kaniyang mga tagahanga ang nagtatanong kung nasaan na nga kaya ang kanilang idolo. Si Beth Tamayo ay kilala bilang isa sa pinakamagandang mukha sa show business noon.



Mayroon pang ilang mga ulat na pinagsasabay niya noon ang kaniyang pag-aarala at pag-aartista. Bukod pa rito ay karelasyon pa niya noon ang “child wonder” na si Niño Muchlach.


Ilan sa mga proyektong kaniyang ginawa noon ay ang “Pedrito Masangkay: Walang Bukas Iniwan” (1994), “Proboys” (1995), “Anak ng Pasig” (1993). Kasama din siya noon sa cast ng “Esperanza” na pinagbidahan rin ng matalik niyang kaibigan na si Judy Ann Santos.


Ang huling proyektong ginawa niya ay ang “Luna Mystika” sa Kapuso network noong taong 2009. Nagpakasal siya noong 2004 sa isang mayamang Chinese businessman na nagngangalang Johnny Wong ngunit naghiwalay rin sila sampung taon pagkatapos nilang magpakasal.



Nanirahan sila sa Pilipinas noon habang ipinagpatuloy naman ng aktres ang kaniyang karera. Ilang mga taon pa ang lumipas at nagdesisyon siyang iwanan na ang show business at manirahan na lamang sa Estados Unidos.


Hiwalay na siya sa kaniyang asawa ng mga panahong iyon kung kaya naman kinailangan niya munang makitira sa kaniyang kaibigan sa loob ng walong buwan. Naranasan niyang maging isang kahera sa isa sa mga tindahan ng Victoria’s Secret doon.

Nagtrabaho rin siya bilang isang “baby sitter” sa isang Columbian family na mayroong dalawang mga anak. Kalaunan ay natanggap siya bilang “Executive Assistant” ng “Government of Singapore Investment” o GSI sa New York.

Matapos nito ay nailipat naman siya sa San Franciscio kung saan siya naninirahan hanggang sa ngayon. Mahilig mag-marathon ang dating aktres, sa katunayan ay nakalahok na siya sa mga prestihiyosong marathons sa New York, Chichago, Boston, Berlin at London.



Mayroong kumakalat na fake news patungkol diumano sa kaniyang pagpanaw ngunit binigyang-linaw niya ito dahil sa hanggang sa ngayon ay buhay na buhay pa rin siya at masayang namumuhay nang malayo sa maingay na mundo ng show business. Nito lamang Oktubre 13, 2019 ay na-engaged na siya sa kaniyang fiancé na si Adam Hutchinson na isang Google employee.




error: Content is protected !!