JC Santos mayroong sweet na message para sa kaniyang misis na si Shyleena Herrera at sa anak nilang si Baby River Aletheia



Napakaraming mga nangyayari sa ating paligid ngayon, mayroong magagandang balita at mayroon din namang mga hindi kanais-nais na balita. Lalo na sa mundo ng show business industry, bagamat hindi naman lahat tayo ay bihasa sa mga pasikot-sikot s industriyang ito ay hindi pa rin maiiwasan na magkaroon tayo ng pagtataka at ilang mga katanungan patungkol sa mga paborito nating artista.



Karamihan sa mga aktor at aktres na hinahangaan natin sa ngayon ay hindi na nagagawa pang itago ang kanilang pribadong buhay sa publiko. Dahil sa sila ay “public figure” nang maituturing, marami sa kanila ang tanggap nang hindi na magiging katulad pa ng dati ang kanilang buhay.


Ngunit sa kabila nito ay mas pinili pa rin ng aktor na si JC Santos na gawing prayoridad ang kaniyang pamilya. Ang batid kasi ng publiko ay wala pa siyang nobya o asawa ngunit kamakailan lamang ay binunyag nitong siya ay kasal na at mayroon na silang isang anak ng kaniyang kabiyak.


Lingid sa kaalaman ng marami ay kasal na pala ang aktor sa kaniyang nobyang si Shyleena Herrera at nabiyayaan na sila ng isang napakagandang supling na si Baby River Aletheia. Binati ng aktor ang kaniyang kabiyak nito lamang “Mother’s Day” at talaga namang ikinatuwa ng maraming mga netizens ang sweet na mensahe ni JC para sa kaniyang misis.


Ayon kay JC ay labis labis ang kaniyang pasasalamat dahil sa pagiging mapagmahal at maalaga ng kaniyang misis sa kaniya at sa kanilang anak. Hindi rin naman nito nakalimutang sabihin sa asawa kung gaano siya kapalad at kung gaano niya pinahahalagahan ang bawat sakrispisyo ng kaniyang kabiyak.



Marami namang mga netizens ang nakapansin sa simple ngunit nakakabighaning kagandahan ni Shyleena. Sadyang napaka-cute at napakaganda rin naman ng kanilang munting prinsesa. Hindi man agad naibahagi ni JC sa publiko ang tungkol sa kaniyang pamilya ay masaya pa rin naman ang kaniyang mga tagahanga dahil sa isa na siyang ama sa ngayon at tiyak na magiging mabuti siyang asawa at magulang sa kaniyang pamilya.

 




error: Content is protected !!