Kim Chiu nagpasalamat sa mga taong sumuporta at nagpalakas ang kaniyang loob sa gitna ng mga isyung kinaharap niya!



Sa panahon natin ngayon sadyang napakaraming mga tao na naging libangan na at natural na bagay na lamang sa kanila ang pangbabatikos at panghuhusga sa ibang tao. Hindi naman natin maiiwasan ang magkomento at magpahayag ng sarili nating mga saloobin patungkol sa maraming mga bagay na nangyayari sa ating kapaligiran ngunit hindi rin naman ito magiging magandang halimbawa para sa maraming mga kabataan.



Kamakailan lamang ay nagbahagi ng isang video ang aktres na si Kim Chiu sa kaniyang YouTube channel na mayroon nang 1.6 million subscribers patungkol sa naging pag-uusap nila ng isang netizen na nagngangalang Adrian at ni DJ Squammy.


Ang netizen na si Adrian ang siyang nagpost ng isang open letter para sa aktres, dahil dito ay nabigyan ng pag-asa si Kim na muling bumangon sa kabila ng pinagdaraanan niyang pagsubok at sa mga hindi magagandang komento sa kaniya ng publiko dahil sa ginawa niyang pagpapahayag noon ng kaniyang saloobin patungkol sa naging pagpapasara sa ABS-CBN.


Naging maayos naman ang pag-uusap nilang tatlo gayundin naman si DJ Squammy na siyang gumawa ng béat sa viral na awitin ngayon ng Kapamilya actress patungkol sa “Law of Classroom”. Matapos ang kanilang kamustahan at kaunting pag-uusap ay nagkasundo ang tatlo na gawan ng kanta ang viral na pahayag ni Kim.


Si Adrian ang naging songwriter, si DJ Squammy ang naglapat ng béat habang si Kim naman ang naging singer nito. Tunay nga na naging napakagandang inspirasyon ng pangyayaring ito dahil sa kabila ng hindi naging magandang epekto nito sa aktres ay muli siyang bumangon at sa ngayon ay mas positibo na ang kaniyang pananaw patungkol sa mga bagay na kinakaharap at haharapin pa niya bilang isang artista at bilang isang indibidwal.



Sino ba naman ang mag-aakala na ang pangyayaring labis na nakasakit sa iyo ay magsisilbi pa lang ngiti at kaligayahan sa iba tulad na lamang ng nangyari kay Kim na hindi hinayaan ang kalungkutan na mamayani sa kaniyang buhay.




error: Content is protected !!