Anak ni Paul Walker, isa nang ganap na dalaga na sumusunod sa yapak ng kaniyang ama!



Si Paul Walker ang isa sa pinakahinahangaang aktor noon sa Hollywood lalo na ng maipalabas ang isa sa kaniyang mga pelikula na Fast and Furious na isang movie series. Ngunit sa kasamaang palad ay Nobyembre ng 2013 nang pumanaw ang aktor dahil sa isang aksidente noon sa minamaneho nitong sasakyan.


Ang 40-taong-gulang na aktor ay natagpuang wala nang buhay kasama ang kaniyang financial adviser na si Roger Rodas sa sunod nang Porsche Carrera GT sa Los Angeles. Marami ang nalungkot at nagdalamhati sa kaniyang biglaang pagkawala.



Halos pitong taon na rin ang nakakaraan mula nang siya ay pumanaw at sa ngayon ay nasa kaniyang anak na si Meadow na ang atensyon ng publiko. Sa ngayon ay 21 taong gulang na si Meadow na siyang namamahala ng “The Paul Walker Foundation”.

Ang naturang Foundation ay itinayo para sa alaala ng kaniyang namayapang ama na hanggang sa ngayon ay nasa puso at isipan pa rin ng marami niyang mga taghanga. Batid ni Meadow na mas maraming mga tao na nangangailangan ang mas matutulungan ng kanilang foundation.



Kamakailan lamang ay nakipag-isa na rin siya sa Los Angeles Regional Food Bank upang makatulongbsa mga batang apektado ng krisis dahil sa COVID-19. Ang proyekto nilang ito ay nakalikom na ng $6,500 na halaga ng salapi.


Maliban rito ay mayroon na ring mga volunteer work sa ibang bansa si Meadow upang mas marami pa siyang matulungang tao. Ayon sa dalaga ay ginagawa niya ang mga ito dahil sa kaniyang ama. Sa paglipas ng panahon ay hindi lamang lumaking mabuting tao ang anak ni Paul Walker dahil sa talaga namang kapansin-pansin din ang kaniyang angking kagandahan.



Bagamat maagang pumanaw ang kaniyang ama ay hindi naman nawala ang pagmamahal at pagrespeto niya rito. Tiyak na masayang masaya ngayon ang kaniyang ama kung nasaan man siya sa ngayon dahil sa naging maayos na paglaki ng kaniyang anak na si Meadow.



error: Content is protected !!