Isang nars na nakasuot lamang ng “underwear” sa kaniyang see-through PPE, sinita!



Ilang mga buwan na rin ang nakalilipas mula nang magsimula ang pandemyang COVID-19 sa maraming mga bansa sa buong mundo. Hindi madali ang pinagdaraanan nating lahat dahil sa talaga namang delikado at hindi biro ang pagsubok na ito para sa ating lahat.


Kung kaya naman mahigpit na inaabisuhan ng mga otoridad ang publiko na maging mas maingat at gawin ang mga nararapat upang hindi na tuluyan pang makapaminsala ang pandemyang ito. Marami sa mga frontliners natin sa ngayon ang nagsasakripisyo para sa ating lahat at para sa kaligtasan ng kanilang mga mahal sa buhay.



Kung kaya naman talagang labis silang nirerespeto at pinasasalamatan ng maraming mga Pilipino sa ngayon. Ngunit kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng publiko ang isang nars na ito na mula sa Russia dahil sa pinili na lamang niyang magsuot ng “underwear” sa loob ng kaniyang “see-through” na Personal Protective Equipment o PPE.

Hindi lingid sa ating kaalaman na napakainit at napakahirap magsuot ng ganito sa loob ng mahabang oras ngunit marami ang kumunot ang noo dahil sa ginawang ito ng nars na taga-Russia. Agad naman siyang sinita ng pamunuan ng ospital lalo na at siya ay nakatalaga sa isang all-male ward!



Ayon sa ilang mga ulat, isang pasyente ng ospital ang nagbahagi ng mga larawan ng hindi pa nakikilalang staff ng ospital sa social media. Dagdag pa ng naturang pasyente, wala siyang narinig na ibang taong nagreklamo maliban sa kaniya nang makita nila ang nars.

Ayon pa sa ilang mga ulat, hindi ito pinalampas ng ospital at agad na dinisiplina ang nars dahil sa hindi nito pagtalima sa tamang pananamit sa loob ng ospital. Ayon naman sa pahayag ng nars, hindi niya inakalang sobrang makikita pala ang kaniyang pangloob na kasuotan sa kaniyang PPE.


Gayunpaman ay mas maraming mga netizens ang natuwa dahil sa “breathe of fresh air” para sa napakaraming pagsubok na naranasan natin mula nang magsimula ang taon.




error: Content is protected !!