Lola hindi kinayang maibili ng isang smartphone ang kaniyang apo para sa online class nito!



Naging napakatinding dagok at napakahirap na pagsubok para sa maraming mga tao ang pananalanta ng pandemyang COVID-19 sa buong mundo. Maliban kasi sa maraming bilang ng mga inosenteng tao at frontliners na nasawi ay labis ding naapektuhan ang ekonomiya ng maraming mga bansa dahil sa mahigpit na pagpapairal ng lockdown.



Labis ding naapektuhan ang maraming mga kabataan lalo na ang mga mag-aaral. Hindi pa rin kasi sila maaaring pumasok sa paaralan dahil sa maaaring mas kumalat pa ang nakakahawang sakit na ito at hindi na mapigilan pa ang pagdami ng mga nagkakasakit at nasasawi.

Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng maraming mga netizens ang isang lola na ito na kasama ang kaniyang apo sa bilihan ng cellphone. Si Jatupol Boriboon ay nagtatrabaho sa isang Vivo Smartphone store sa Rattanaburi sa Thailand.



Siya ang nagbahagi ng larawan ng mag-lola sa social media. Ayon sa kaniyang pahayag sa kaniyang post ay nagtatanong ang lola kung anong smartphone kaya ang kaniyang mabibili sa halagang 2,000 baht o katumbas ng $62 ngunit sa kasamaang palad ay walang mabibiling smartphone ang matanda sa ganoong halaga.

Bukod sa mahihirapan ang mag-lola na makabili ng smartphone sa maliit na halaga ay iisipin pa nila kung saan at paano sila magkakaroon ng maayos na “internet connection”. Talaga namang naantig ang puso ng marami dahil sa pangyayaring ito.



Tunay nga na magandang ideya ang pagkakaroon ng online classes para sa kaligtasan ng maraming mga mag-aaral sa ngayon ngunit sadyang napakahirap din talagang isipin kung paano ang gagawin ng mga mag-aaral na mula sa mahihirap na pamilya.

Ang edukasyon ay isa sa pinakamahalagang pundasyon ng isang indibidwal upang sa kaniyang paglaki ay maging matagumpay siya sa buhay ngunit mayroon talagang mga tao na hirap talaga sa buhay na nakukuntento na lamang sa maliit na halagang kinikita nila na pinagkakasya nila para sa kanilang pamilya.





error: Content is protected !!