Misis ng isang barbero, nakaipon ng Php217,000 mula sa mga tips na nakukuha ng mister!



Marami sa atin ang naniniwala na tanging mga mayayaman lamang ang mayroong kakayahan na makapag-ipon ng pera. Ngunit pinatunayan ng isang wais na misis na ito na wala sa estado ng buhay ang sukatan upang makapag-ipon ka para sa kinabukasan ng iyong pamilya.



Ibinahagi ng misis ng isang barbero ang nakakamanghang kwento na ito sa Facebook financial literacy page na “CFO PESO SENSE“. Ikinuwento niya kung paano niya sinorpresa ang kaniyang mister sa inipon niyang mga tips nito mula sa paggugupit niya mula sa ilang mga celebrities at mga doktor habang lockdown.

Dagdag pa ng misis, napagkasunduan nilang mag-ipon para sa kinabukasan ng kanilang tatlong mga anak ngunit upang magawa ito ay kailangan niyang ibigay lahat ng kaniyang sweldo sa kaniyang misis. Kadalasang P1,700 ang halagang naibibigay ng mister sa kaniyang kabiyak.


Lingid sa kaalaman ng mister ay hindi nagmimintis ang kaniyang asawa na magtabi ng P1,000 sa tuwing mag-aabot siya ng kaniyang kinita dito. Matipid namang ginagastos ng misis ang natitira sa sweldo ng kaniyang mister para sa kanilang pagkain sa araw-araw at sa iba pang mga gastusin.


Nang dumating ang pandemya sa bansa at pinairal ang enhanced community quarantine (ECQ) sa maraming mga lugar sa bansa ay kinailangang magsara ng pinagtatrabahuhang barbershop ng mister. Ngunit sa kabila nito ay mayroong pera na madudukot ang mag-anak dahil sa pagiging masinop ng misis.

Talaga namang nagulat ang mister dahil sa Php217,000 na kabuuang halaga na kaniyang naipon. Pinayuhan din niya ang maraming mga nanay na huwag maging maluho bagkus ay maging masinop sa lahat ng bagay upang pagdating ng mga panahon ng mahigpit na pangangailangan ay mayroon kang maaasahan at makukuhanan ng pera.



Dagdag pa ng wais na misis ay hindi din dapat sanayin ang mga anak na magkaroon ng maraming mga luho dahil sa tunay na makakalakihan nila ang mga ito. Bilang mga magulang ay nararapat lamang na magsilbi tayong magandang halimbawa para sa ating mga anak.




error: Content is protected !!