Babae pumasok sa isang nasusunog na bahay upang mailigtas ang siyam niyang mga aso!



Marami sa ating mga Pilipino ang aminadong certified pet lovers sila. Karamihan sa atin ay mayroong mga alagang hayop tulad na lamang ng aso, pusa, ibon at marami pang iba.

Talaga namang pamilya na sila kung ituring sa ating tahanan at kadalasan pa nga ay mas mahal pa ang kanilang mga pagkain at gamit kumpara sa ating mga personal na pangangailangan. Hindi lamang parte ng pamilya kung atin silang ituring dahil mayroon ding iba na ang turing sa kanila ay sarili na nilang mga anak.



Tulad na lamang ng isang ginang na ito na handang isakripisyo ang sarili niyang buhay at kaligtasan para sa kaniyang mga alagang aso. Ayon sa ilang mga ulat ay hindi nagdalawang-isip si Michelle Mirasol, 35 taong gulang mula sa Bacolod City na malagay sa panganib para lamang mailigtas ang kaniyang mga alaga.


Ayon sa City Fire Marshal na si Chief Insp. Publio Plotena ay nasa labas na ng nasusunog nilang tahanan ang ilan sa kaniyang mga alaga ngunit bumalik pa rin ito upang isalba ang iba pa niyang mga alagang hayop kasama na ang isang Shih Tzu. Nailigtas pa niya ang tatlo pa niyang mga aso at muli pang bumalik sa loob ng kanilang tahanan.


Pinigilan siya ng kaniyang mga magulang ngunit tuluyan nang kumalat ang apoy sa kanilang bahay at hindi na nagawa pa nitong makaligtas. Natagpuan ang kaniyang walang buhay na bangkay sa loob ng kanilang palikuran habang nakatalukbong siya ng basang twalya na ginamit niya upang makahinga.


Natagpuan ng Chamber Volunteer Fire Brigade ang isa pang buhay na tuta. Ninais ni Mirasol na mailigtas ang siyam niyang mga alaga.



Maraming mga netizens ang talaga namang namangha sa ginawa niyang kabayanihan para sa kaniyang mga alaga. Naitampok pa ang kaniyang kabayanihan sa isang news media company sa Costa Rica. Ayon sa ulat ang naturang sunog ay nagmula sa “faulty electrical wiring”.




error: Content is protected !!