Billy Crawford at Coleen Garcia- Crawford ibinahagi sa publiko ang pinagdaanan nila mula nang malamang buntis ang aktres!



Ang pagbubuntis o pagdadalang-tao ay hindi madali. Hindi ito isang biro dahil sa buhay at kaligtasan ng ina at ng sanggol nito ang nakataya sa araw-araw.

Mayroong ilang mga kababaihan na natural at ordinaryong pagbubuntis lamang ang pinagdaraanan ngunit mayroon din namang iilan na talaga mahirap at maselan ang nagiging sitwasyon hanggang sa maipanganak nila ang kanilang supling. Si Coleen Garcia-Crawford ay isa sa mga kababaihang hindi magiging madali ang pagbubuntis dahil sa mayroon siyang PCOS.



Ibinahagi ng mag-asawa ang nakakamanghang kwento ng naging karanasan nila sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis ni Coleen. Nalaman ng mag-asawa ang napakagandang balita na ito ng sila ay magbakasyon ng dalawang linggo sa New York.


Ayon sa aktres, noon pa man ay umiinom na siya ng gamot o pills para sa kaniyang PCOS ngunit naubusan siya nito habang nagbabakasyon sila ay hindi na siya nakainom pa nito dahil wala rin siyang reseta. Tinigil na muna niya ang pag-inom niya ng pills.


Sa pangyayaring ito ay naramdaman ni Coleen na nangungusap sa kaniya ang Diyos na huwag na niyang kontrolin pa ang mga mangyayari. Nang malaman nilang buntis nga si Coleen ay talaga namang biyaya ng Diyos at milagro ang turing nila rito.




Si Kuya Kim Atienza ang unang nakaalam na nagdadalang-tao na si Coleen at talaga namang masayang-masaya ito para sa mag-asawa. Ilan sa mga pinagdaanan ni Coleen ay ang allergies at spotting. Mula ng pumutok ang bulkang Taal ay nanatili na lamang siya sa loob ng kanilang tahanan upang makapagpahinga ng maayos hanggang sa pinatupad na ang “enhanced community quarantine” sa maraming mga lugar sa bansa.

Marami ang natuwa nang malaman na maging si Billy ay naglilihi rin pala dahil sa naduduwal din ito at nagkecrave ng mga pagkain. Maraming mga netizens ang namangha at nakakuha ng inspirasyon mula sa mag-asawang Billy at Coleen.



Walang humpay ang pasasalamat ng mag-asawa sa pagabay at proteksyon sa kanila ng Diyos. Tunay nga na napakapalad nila dahil sa napakagandang biyayang natanggap nila sa kabila ng maraming mga kaganapan at pagsubok sa atin nitong mga nagdaang buwan.




error: Content is protected !!