Mag-asawang Charlene at Aga Muchlach, proud parents sa kanilang kambal na nakapagtapos na ng hayskul!



Bilang mga magulang, tunay nga na walang tayong ibang ninanais kundi ang ikabubuti ng ating mga anak at ang kanilang pagtatagumpay sa buhay. Hanggang sa kanilang paglaki ay mananatili tayong nakasuporta para sa kanila at para sa pag-abot nila sa kanilang mga pangarap.



Hindi na nakapagtatakang proud na proud sina Charlene at Aga Muchlach sa kanilang kambal na sina Andres at Atasha dahil sa naging pagtatapos nila sa hayskul. “We are extremely proud of you!! All the years of hardwork has paid off. Congratulations on your high school graduation.” Pahayag ni Charlene sa kaniyang Instagram post.

Dahil na rin sa mahigpit na implementasyon ng batas patungkol sa COVID-19 ay hindi muna pinapayagang makadalo ng kahit anong “graduation rites” ang mga estudyante ngunit ayon kay Charlene ay dapat pa ring ikatuwa ang naging tagumpay ng mga mag-aaral na magtatapos ngayong taon.




“Although, you may have not physically walked across the stage for the graduation ceremony due to the global pandemic, it does not take away the many years of sacrifice, perseverance, defeats, victories and life lessons you’ve learned and continue to learn during your school life and life in general.”Dagdag pa ng 46-anyos na beauty queen.


Proud na proud ang mag-asawa sa tagumpay ng kanilang kambal ngunit higit pa rito ay mas masaya silang mag-asawa dahil lumaking mabubuting mga bata ang kanilang mga anak.



“We celebrate you and Atasha everyday & your dad & I are extremely excited for what life has in store for the both of you. Continue dreaming & reaching for your dreams & putting God first in all your plans and he will lead your path.” Pagtatapos na pahayag ni Charlene.

Tunay nga na napakasarap sa pakiramdam bilang mga magulang ang makitang mong magtagumpay ang iyong mga anak. Patunay lamang ito na naging mabuti kang magulang sa kanila at sinuportahan mo sila sa kanilang mga pangarap katulad na lamang ng mag-asawang Aga at Charlene.




error: Content is protected !!